^

Dr. Love

Huwag susuko sa pagsubok

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin ninyo na lang akong alyas Tala. Kung kelang end of contract ako sa trabaho, ngayon pa nagawa ng mister kong iwanan kami ng mga anak ko.

Hindi ko nga alam ang gagawin ko. Naiinis ako at nangangamba para sa mga anak namin. Mabuti kung makahanap ako ng bagong trabaho. Panay bata pa naman ang apat naming anak. May dalawa akong elementary at dalawang alagain pa.

Sana kung na-regular ako sa company na pinapasukan ko. Magkahalong panghihinayang at galit ang nararamdaman ko. Walang hiyang lalaki ‘yan, walang pakundangan.

Kaya hindi ako naka-focus ng maigi sa trabaho sa opisina ng dahil sa panggugulo niya. Siya pa ang may ganang magsabi na nagmamalaki raw ako, kasi kaya ko ng buhayin ang mga anak ko. Ayaw na niyang mag-stay sa bahay namin dahil alam kong may bago na siyang kinakasama.

Binabaligtad niya ang sitwasyon. Sinira niya ang magandang pangarap ko para sa aming dalawa at aming mga anak.

Gusto ko sanang makiusap sa boss ko pero ayaw na niya akong i-extend. Poor daw ang performance ko. I’m so weak and always sad daw. Lagi kasi akong naiyak tuwing break time while having my lunch. Hindi rin ako nakikisalamuha ng matagal dahil ayoko rin namang mapagtsismisan.

Feeling ko parang magi-give up na ako. Dahil na lang sa mga anak ko kaya ko kinakaya. Para akong nabagsakan ng lava ng bulkan sa sama ng loob ko. Sana po matulungan ninyo ako.

Tala

Dear Tala,

Huwag kang susuko, kailangan mong magpakatatag para sa mga anak mo. Huwag mong iasa sa iba ang ikasasaya ng buhay ninyo.  Kung itutuloy ng mister mo na hiwalayan ka, ipaalala mo sa kanya ang tungkulin niya sa inyong mga anak.

Magsimula kang muli. Huwag kang sumuko. Ituloy mo pa rin ang paghahanap ng bagong trabaho. Tandaan mo kung ano ang nawala sa iyo, ibabalik ng Maykapal ang biya-yang para sa iyo.

Manalig ka na hindi ka Niya pababayaan, tulad ng ginawa ng asawa mo. Alagaan mo ang iyong sarili, ang iyong mga anak at hin-ding hindi ka magsisisi balang araw kapag nalampasan mo ang pagsubok sa iyong buhay.

Dr. Love

 

 

 

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with