Nagtanan ang nag-iisang anak
(Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Nene, 47-anyos. Mayroon po kaming kaisa-isang anak na lalaki ng aking mister na ngayon ay disinuwebe anyos pa lang.

Napakatayog ng pangarap naming mag-asawa para sa kanya, ang makapagtapos ng civil engineering na kagaya ng propesyon ng kanyang ama. Pero nasa second year pa lang siya sa kursong ito ng magtanan siya at ang kanyang girlfriend na kapitbahay namin.

Dr. Love, pareho po silang nag-aaral pa lang at wala silang alam sa paghahanapbuhay. Nanga-ngamba ako na baka maghirap sila dahil dito. Galit na galit ako, pati na ang kanyang ama.

Nang umuwi sila para magmano sa amin ay pinangunahan kami pareho ng galit ng aking mister at pinalayas namin sila. Ngayon ay tatlong buwan na kaming walang balita sa kanila at pareho kaming nag-aalala ng aking mister sa kanilang kahihinatnan.

Ano po ang dapat naming gawin? Pagpayuhan mo po ako, Dr. Love.

Nene

Dear Nene,

Maraming ganyang kaso at mayroon namang nagiging matagumpay ang buhay dahil sila ay nagpunyagi. Pero totoong mas nakalalamang ‘yung mga nabibigo at kalaunan ay nauuwi sa hiwalayan ang relasyon.

Kasi nga, wala pang muwang sa paghahanapbuhay at pagtataguyod ng pamilya. Kaya pagdating ng kahirapan, nag-aaway sila at nauuwi sa hiwalayan.

Nangyari na iyan at ang tanging magagawa ninyo ay tanggapin sila. Kung nais ninyo, ipakasal sila. Pero huwag munang magkakaroon ng anak hangga’t maaari habang ipinagpapatuloy ang kanilang pag-aaral. Kausapin ninyo ang magulang ng babae at pagkasunduan ang bagay na ito.

Kailangang maipaunawa ninyo sa inyong mga anak ang kahalagahan na sila’y makapagtapos alang-alang sa kanilang magandang kinabukasan. Tayong mga Pilipino ay may ugaling ipinapakasal agad ang ating mga anak kung sila’y nagsiping na. Pero kung puwedeng isaisantabi ang kaugaliang ito para bigyang pagkakataon ang pag-aaral, mas mabuti kung magagawa ito.

Dr. Love

 

 

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with