Binasted ang anak
(Pilipino Star Ngayon) - January 12, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

 

Nag-aalala po anak ako sa aking anak dahil hindi na siya masayahin at hindi namin makausap ng maayos.  Ang sabi ng klasmeyt niya, binasted daw siya ng kanyang nililigawan.

Panay aral lang ang alam kong pinagkakaabalahan niya. Minsan nahuli ko siyang sinisilip ang fb account ng girl. Tinanong ko siya kung sino ‘yun, crush daw niya at gusto niyang ligawan.

Matapos nun, lagi na siyang nakaporma at laging bumibili ng bagong damit. Alam ko naman na dumidiskarte siya kaya hinaha-yaan ko lang.

Ang huling pinuntahan niya ay ang birthday party ng kanyang crush. Malungkot na siya at hindi na kumikibo. Tinanong ko ang isa sa mga klasmeyt niya, binasted nga raw siya ng kanyang crush niya.

Hindi ko muna siya tinanong at hinayaan kong siya ang magsabi sa akin. Totoo nga, niyakap niya ako at sinabing mahirap ang may kaagaw na iba sa iyong minamahal. Medyo nangisi ako at sinabihan niya ako na bakit ko raw siya pinagtatawanan.

Natutuwa lang ako dahil talagang bata pa nga ang aking anak. Hindi pa niya matanggap ang mga kabiguan. Kaya ki-nwento ko sa kanya na marami akong naranasang kabiguan sa buhay pero hindi ko ito ginawang hadlang para matuto sa buhay. Sinabihan ko rin siya na marami pa siyang babae na makikilala. Ang mabuti, nagsasabi siya sa akin.

Mr. Rosuaro

Dear Mr. Rosauro,

Maraming salamat po sa inyong ibinahagi. Maraming kabataan ang nakakaranas ng mga kabiguan. Mabuti at nariyan ka sa tabi ng anak mo para gabayan siya. Nakakaawa rin ang mga kabataan na walang natatakbuhan at walang masabihan ng kanilang mga saloobin.

Ituloy mo lang ang tamang sistema mo sa pagsuporta sa iyong anak. Sabihin mo rin sa kanya na sa bawat pagsubok lalo tayong nagiging matatag na harapin ang mga bagong hamon sa ating buhay. 

DR. LOVE

DR. LOVE MR. ROSAURO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with