^

Dr. Love

Ilag sa klasmeyt na lalaki

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May kasabihan kami sa mga nagiging nursing students na lalaki, kundi sila beki medyo tipong maginoo pero bastos. Kaya ilag ako sa mga klasmeyts naming lalaki. Ok lang kapag proven na beki siya, kinakausap ko. Pero kapag medyo astigin ang dating umiiwas agad ako.

Second year nursing student ako sa isang kilalang unibersidad dito sa Maynila. Kasama sa pag-aaral namin ang magkaroon ng duty sa mga ospital.

Hatid-sundo kami ng school van. Kasama namin ang aming mga professor at may mga higher year din kaming kasama. Sila ang nagsisilbing CI sa amin-Clinical Instructor.

Pabago-bago ang duty hours namin kaya madalas pabago-bago rin ang clinical instructors namin. Ang akala ko sa mga babaeng nurse, babaeng nurse din ang assign sa amin.

Hindi pala, may mga lalaki rin. Makikipagpalit sana ako kapag hindi ko type ang maa-assign sa akin. Pero wala akong choice. May mga designated na CI sa bawat student at hindi pwedeng mamili.

Dito ko nakilala ang isang nurse na lalaking CI. Ang akala ko beki siya kasi kapag hindi kumikibo, parang lambutin ang kilos niya. Medyo kinakabahan ako kasi kung hindi siya beki, baka medyo bastos.

Mukha namang disente at pormal ang dating niya. Habang nagtuturo siya ng mga paraan kung paano magbibigay ng gamot sa pasyente, napa­kaistrikto niya. Hindi raw kami dapat magkamali sa pagbibigay ng gamot. Pati sa oras ng pag-monitor sa pasyente.

Sa una, medyo nahihirapan ako. Pero mabuti na lang mahusay mag-motivate at humahanga ako sa dedication ng CI kong nurse kahit senior pa lang namin sila.

Dahil lagi kaming magkasama, medyo iba na ang nararamdaman ko sa kanya. Parang nahulog na nga yata ang puso ko sa kanya. Kaso hindi ko kayang sabihin at hindi pa ako sigurado sa nararamdaman niya para sa akin. Baka wala lang sa kanya. Sana po mapayuhan ninyo ako. Maraming salamat po.

Jaime Ann

Dear Jaime Ann,

Kitang-kita sa sulat mo na inspired ka. Mabuti naman at nakapagsulat ka sakabila ng maraming gawain ninyo sa duty bilang nurse. Alam mo ang pag-ibig parang pasyente rin ‘yan. Hindi mo alam kung malala ka na kapag hinahanap-hanap mo na ang gamot para sa nararamdaman mo. Kaya ang payo ko sa iyo, hinay-hinay lang at magiging maayos din ang lahat ng nangyayari sa iyo. Just be friendly lang muna sa CI mo. Sige ka baka ma-overdose ka dahil sa sobrang in love mo sa kanya.  Unahin ang pag-aaral at magtapos muna.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

JAIME ANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with