^

Dr. Love

Itsinismis ng kapitbahay

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Biktima ako ng tsismis.Naapektuhan tuloy ang pagsasama naming mag-asawa. Totoong may babae akong kasama ng makita ako ng kapitbahay namin dahil bibili ako ng bagong unit sa isang condo. Pati ang pagpasok ng sasakyan ko sa isang village ay inabangan ng kapitbahay ko.  Kaya pala parang may sumusunod sa akin habang papasok kami ng babaeng broker sa village.

Ang problema, may video na ipinakita sa misis ko. Kitang-kita ang pag-uusap namin ng broker. Excited ako kaya masaya ako nun, dahil mahirap makabili sa panahon ngayon ng unit sa village na ‘yon. Maganda ang place at accessible. 

Pero ng sasabihin ko na sa misis ko ang sikreto ko, bigla na lang siyang naghisterikal. Nagsisigaw at nagtatanong kung sino raw ang nasa video na pinasa sa kanya ng kanyang kaibigan.

Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko pa isinikreto ang pagbili ko ng unit na lilipatan namin. Sana sinama ko na lang siya para siya na ang kumausap.

Hinayaan ko muna siyang magalit at sinama ko siya sa village at ipinakilala sa broker na nasa video.

Noong una, akala ko aawayin niya ang broker, mabuti at marunong mag-handle ng costumer ang babaeng broker.

Naging maayos naman ang lahat at nagpasa-lamat pa nga siya sa broker. Tuwang-tuwa ang misis ko. Kaso ako naman ang gigil na gigil sa tsismosang kapitbahay namin. 

Mr. Marven

Dear Mr. Marven,

Thank you sa pag-share mo ng iyong karanasan. Marami ang nabibiktima ng tsismis. Kung tutuusin pwede mong ireklamo ang mga ganyang tao,  kahit sa barangay may batas na tayo sa mga ganyan. Lalo’t may ebidensiya kayo. Pero ikaw, kung ano ang desisyon mo, kung papatulan mo o hindi.

Sa isang banda, dapat mong makausap o ng misis mo ang nag-video sa inyo ng broker. Para hindi na maulit sa iba ang tsismis na ginawa niya.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

MARVEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with