^

Dr. Love

May pasaway na anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay isang masugid ninyong tagasubaybay. Nakakaalarma lang po kasi, panay basketball ang anak namin sa ibang lugar. Madalas siyang dumadayo ng paliga kasama ng mga klasmeyt at dabarkad niya.

Lagi akong nag-aalala kapag hindi pa siya umuuwi.  Mabuti na nga lang may chat na sa fb at video call, nalalaman ko agad kung nasaan siya.  Natatakot ako bilang magulang. Sino bang gustong mapahamak ang kanilang anak?

Malapit lang sa amin ang napapanood sa fb na nakuhang mga bata. Ako ang laging inaaway ng mister ko kung bakit nga raw kinukunsinte ko ang anak namin. May katigasan din ang ulo ng anak namin. Laging pasaway. Hindi siya tumulad sa ate niya na panay aral ang inaatupag. Walang hilig sa barkada ang panganay naming babae.

Ayaw ko namang lumabas na may favoritism kami ng mister ko sa mga anak. Pero talagang kitang-kita ang pagkakaiba nilang magkapatid.

Mabuti ang babae, lagi lang sa bahay. Palaaral at bahay-iskul lang. Walang hilig sa lakwatsa. Pero itong lalaki ko, naturingang bunso laging hinahanap. Nauuna pang umuwi minsan sa kanya ang kanyang tatay. Iba na nga talaga ang panahon at hindi nakikinig sa amin ang anak kong ito.

Kaya naman po ako sumulat sa inyo hindi lang naman para sa aming anak kundi pati na rin sa mga kabataang napapabayaan ng magulang at sa mga pasaway at walang pakialam sa nararamdaman ng kanilang magulang.  Maraming salamat po sa inyong panahon. God bless po.

Mrs. Rosa

Dear Mrs. Rosa,

Tama ang sinabi mo, nakakaalarma talaga sa panahon ngayon. Bukod sa impluwensiya ng bis­yo at droga, may na­ngunguha pa ng mga kabataan.  Dapat lang mapayuhan ng mga magulang ang mga pasaway na kabataan. Hindi lang sila ang maaapektuhan nito, kundi ang kanilang buong pamilya.

Mainam na lagi tayong alerto sa mga ganitong mga gawain. Sa mga kabataan, huwag sana ninyong ma-mis-interpret ang inyong mga magulang. Kaya nila kayo pinagsasabihan dahil mahal nila kayo at ayaw nila kayong mapahamak.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

MRS. ROSA

TAGASUBAYBAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with