Bagong pagkakataon
(Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Masayang pagpupugay sa’yo. Sana’y nasa mabuti kang kalagayan sa pagtanggap mo ng liham kong ito. Tawagin mo na lang akong Luring, 27-anyos.

Kamakailan ay namatay ang aking asawa.Nasaksak habang nakikipag-inuman. Sa totoo lang, lihim na nagbunyi ang aking sarili sa pagkawala niya. Ang dahilan, siya ay isang lalaking mahilig manggulpi ng asawa at napaka-iresponsable. Dati’y minahal ko siya ngunit naglaho ang lahat ng ‘yun dahil siya ay brutal.

Wala kaming anak dahil lagi akong nakukunan sa kanyang panggugulpi sa’kin. Ang tanging ikinabubuhay namin ay ang aking pagtitinda ng isda sa palengke.

Hindi mo naitatanong, mayaman ang pamilya ko. Pero isinumpa ako ng aking mga magulang ng sumama akong makipagtanan sa asawa ko. Mahal na mahal ko kasi siya noong araw.

Nang malaman ng aking mga magulang ang nangyari ay gusto nilang bumalik ako sa poder nila. Pero nangingimi ako at nahihiya dahil sa pagsuway ko sa kanila. Isa pa, ayaw kong amining nagkamali ako sa ginawa kong desisyon.

Pagpayuhan mo po ako.

Luring

Dear Luring,

Pride ang umiral sa iyo kaya ayaw mong magbalik sa iyong magulang. Ang pinakamaling bagay na magagawa ng isang tao ay magkamali at hindi aminin ito.

Lahat ng tao ay nagkakamali at normal iyan. Ang mahalaga, sa bawat pagkakamali ay natututo tayo ng mahalagang aral. Balikan mo ang iyong mga magulang. Magpasalamat ka sa Diyos at sa kanila sa bagong tsansang ibinibigay sa iyo.

Nag-iisa ka na ngayon at walang karamay. Higit na kailangan mo nga­yon ang isang tunay na pamilyang mamahalin at magmamahal sa iyo.

Dr. Love

BAGONG PAGKAKATAON DR. LOVE LURING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with