Nawala, ibang tao na ng matagpuan
(Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Malungkot angaking kasaysayan. Tawagin mo nalang akong Rosal, 32-anyos.

Walong taon kaming maligayang nagsasama ng aking asawa na si Crissa piling ng aming dalawang anak. Uliran siyang kabiyak at maraming humahanga sa kanya ng kabaitan.

Hanggang sa halos dalawang taon na ang nakakaraan ay hindi na siya umuwing aming tahanan. Kung saan-saan namin siya hinanap at nanawagan kami sa radyo, telebisyon at pahayagan sapag babakasakaling makita ang kanyang larawan.

Nawawalan na ako ng pag-asa hanggang sa nakatanggap ako ng text message nanagsasabing si Cris ay nasa malayong lalawigan ng Aurora at nagtatrabaho bilang driver ng padyak. Ang ginagamit daw niyang pangalan ay Toto.

Kinuha ko ang address at kasama ang aking dalawang pinsan ay nagtungo kami sa Aurora kahit hindi namin alam kung kami’y nilolokolang nung nag-text.

Pinuntahan namin ang palengke na kung saan ay makikita raw si Cris na nakapila sa mga padyak na naghihintay ng pasahero. Matagal kaming nag-abang at ‘dikalaunan ay nakita namin siya. Naiyak ako sa hitsura niya. Siya ay call center agent at may pinag-aralan, pero ngayon ay namamasadang padyak.

Nang lapitan namin, hindi kami nakilalang asawa ko. Pero nang ipakita ko ang aming larawan kasama ang aming mga anak, sinabi niya nanagtataka rin siya dahil hindi niya kilala ang kanyang pagkatao.

Ngunit dahil nakita niya ang mga retrato, patina ang kanyang tatoo sa kaliwang braso, nakumbinsi siya at sumama ng umuwi. Pero hanggang ngayon ay parang asiwa siya sa aming piling at hindi pa rin lubos na makilala ang sarili. Ano ang gagawin ko?

Rosal

Dear Rosal,

Maaaring nakaranas ng sakunaang iyong asawa na na-ging dahilan ng pagkawala ng kanyang memorya. Ipasuri mo siya sa isang psychiatrist para bumalik ang kanyang nawalang ala-ala.

Pasalamat ka sa Diyos at muli kayong pinagtagpo bagamat ganyan ang kanyang kondisyon.

Naniniwala ako na sa tulong ng mga dalubhasa ay maibabalik din ang alaala ni Cris.

Dr. Love

ALA-ALA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with