Huwag sayangin ang pagkakataon
(Pilipino Star Ngayon) - November 19, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang po ninyo akong Nadine. Kasali po ako sa isang grupo sa aming school. Scholar po ako. Bukod sa libreng pagpapaaral, libreng tuition may natatanggap pa po akong allo­wance. Kailangan lang mataas ang grade ko para ma-maintain ko ang aking scholarship.

Nagpupursige naman po ako. Sa katunayan halos natatapos ko na ang high school ko.

Kaso nagkaproblema ako nang mahilig akong sumama sa mga barkada ko. Masaya ang mga gimik namin. Kumpara sa kapwa scholar ko. Payabangan lagi ang kwentuhan.

Kwentuhan sila ng kwentuhan tungkol sa mga achievements nila. Kung ilan ang mataas nilang grades.

Hindi naman sa kinukumpara ko ang sarili ko sa kanila, nawalan lang ako ng gana. Mabuti pa sa bago kong barkada, enjoy lang walang usapang matalino.

‘Yun nga lang naapektuhan ang pag-aaral ko. Natuto na kasi akong mag-cutting classes. Tapos gabi na akong umuwi. Ang dahilan ko, may meeting kami ng mga scholars. Hanggang bumababa ang grades ko at natanggal ako sa pagiging scho­lar. Natuto na rin akong sumagot-sagot sa nanay at sa tatay ko.

Ngayon gumagawa ng paraan ang nanay ko para makabalik ako sa scholarship ko. Ayaw ko na nga sana kasi medyo nahihirapan ako.

Nadine

Dear Nadine,

Nais naming mga magulang ang lahat ng maganda at mabuti para aming mga anak.Pasa­lamat ka nakapag-aaral ka pa. May mga kabataan na kahit gustuhing mag-aral ay walang kakayahan. Walang magulang at ang iba, iniwanan na ng magulang. Huwag mong sayangin ang mga magagandang pagkakataon sa iyong buhay.

Kung nagkamali ka, huwag mo nang dagdagan pa. Humingi ka ng sorry sa nanay mo. At mangakong pagbubutihan mong muli ang iyong pag-aaral. Kaya ka tinanggap sa scho­lars kasi nakita nila ang potential mo.

Hindi naman masama makipagbarkada, pero piliin mo ‘yung nakatutulong sa’yo. Hindi sa lahat ng oras may scholarship ka at nandiyan ang magulang mo. Kaya kapag natanggap ka uli sa scholarship, pagbutihan mo ha.

Dr. Love

SCHOLAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with