Sa hirap man o ginhawa
(Pilipino Star Ngayon) - November 18, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Hindi ba dapat ang mag-asawa ay magsasama sa hirap man o ginhawa? Pinakasalan ko si Osang ng ako’y mayaman pa at matagumpay sa negosyo kong buy and sell ng lumang kotse.

Sa unang tatlong taon ng aming pagsasama, maligaya kami hanggang magkaroon kami ng dalawang anak. Ngunit nang tumamlay ang takbo ng negosyo kong pagbili at pagbenta ng segunda manong sasakyan, nagbago ang takbo ng aming pagsasama.

Pinadali kasi ng mga manufacturers sa kotse ang terms sa pagbili ng bagong sasakyan kaya tumumal na ang bumibili ng mga second hand. Hindi na kasinglaki ng dati kong kinikita ang income ko, kaya naging laging mainitin ang ulo ni Osang.

Wala siyang alam na trabaho at nasanay siya sa malaki kong kinikita noon na nabibili niya kahit anong layaw sa katawan ang gusto niya, pati na ang pagkahumaling niya sa madyong.

Kahit anong bagay na sabihin ko ay binibigyan niya ng masamang kahulugan at lagi niya akong inaaway. Kapag sinabi kong magtipid kami ay high blood kaagad siya at inaaway ako.

Naging uliran naman ako, bakit sa harap ng matinding krisis ay ito ang isinusukli niya sa akin?

Pagpayuhan mo po ako.

Mauro

Dear Mauro,

Open the line of communications at ipaliwanag mo sa kanya kung bakit bumagsak ang inyong kabuhayan, na ito’y pansamantalang krisis lamang na inyong malulutas kung kayo’y magtutulungan. Sa relasyon ng mga mag-asawa, kailangan nagtutulungan at nagdadamayan ang lalaki at babae.

Sinanay mo kasi ang iyong misis sa buhay ng karangyaan kaya iyan ang naging karakter niya ngayon. Tama ka, nang ikasal kayo ay kapwa kayo sumumpa sa Diyos na magsasama at magtutulungan sa hirap at ginhawa.

Samantala, mag-isip ka ng ibang negosyo kung ang dati mong pinagkakakitaan ay hindi na kasingbunga ng dati. May kasabihan ang mga negosyante na hindi dapat ilagay ang lahat ng itlog sa isang basket dahil kung bumagsak ito, basag ito lahat.

Dr. Love

 

SA HIRAP MAN O GINHAWA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with