Hiwalay sa mister ang gf
(Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Nagkakilala kami ni Minnie sa debut ng aking kaibigang si Wanda. Invited singer siya sa party ng aking kaibigan at talagang sa husay niya at ganda, may future siya sa showbusiness.

Tawagin mo na lang akong Samboy, 23 years old at isang bank employee. Hindi lang sa kanyang talento ako humanga kundi pati na sa kanyang kagandahan. We were properly introduced at alam mo na marahil ang mga susunod na pangyayari. Niligawan ko siya at nabuo ang aming relasyon.

Matapos ang tatlong buwan, may ipinagtapat sa akin si Minnie. Separated siya sa asawa at wala pang annulment ang kanyang kasal. Sabi niya, masyadong seloso ang asawa niya at nananakit.

Naguguluhan ako dahil konserbatibo ang isip ko dahil ipinanganak ako sa pamilyang Kristiyano. Kahit ma-annul ang kasal niya, hindi pa rin tama na pakasalan ko siya kung susundin ang Word of God.

Nagkamali na ako at nagsisi sa una kong kasalanan, ayaw ko nang dagdagan ito.

Pagpayuhan mo po ako.

Samboy

Dear Samboy,

Hindi ka dapat maguluhan sa pagdedesisyon lalu pa’t batid mo ang sinasabi sa Salita ng Diyos. Kung sinasabi ng Diyos na huwag makisama sa taong may asawa, sundin mo ito.

Isipin mo lang na laging prayoridad ng isang Kristiyano ang pagsunod sa Salita ng Diyos. Ibig sabihin, kung ano ang idinidikta ng konsensya mo ay dapat mong sundin.

Dr. Love

 

 

MISTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with