^

Dr. Love

Marangya pero ‘di masaya

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa po akong retired manager sa bangko. Marami akong naipundar sa paghahanapbuhay. Napagtapos namin ng aking asawa ang aming dalawang anak. After 40 years, ngayon ko lang naranasan ang ganitong kalagayan— ang masadlak sa kalungkutan na hindi ko inaasahan at hindi ko gustong maranasan.

Ngayon ako naniniwala na hindi talaga pera at anumang bagay ang magpapasaya sa’kin, kundi ang mga mahal ko sa buhay. Mahirap na ibalik ang dati. At hindi ko alam kung tuluyan na akong  mamamatay na lang na nag-iisa at nalulumbay.

We have many investment, my wife and I decided to manage them separately. We have coffee house and restaurants. We also have condo units.

Inspite of all the blessings, nag-aaway pa rin kami tungkol sa pera at lagi siyang nagseselos sa akin. Baka raw ginagastos ko ang pera sa mga babae.

Marami akong natulungan na mga kaibigan ko. Pero nitong last birthday ko, ako lang mag-isa ang nag-celebrate. Yes, I’m hoping nandyan ang mga friends ko. Ang matindi hindi ko kapiling ang pamilya ko. Dahil my wife and I get separated. Malalaki naman na raw ang mga anak namin at may sarili ng pamilya.

Hindi naman sa nagse-self pity ako, pero ang hirap… gusto kong sumaya pero hindi ko magawa. Hindi ko pa nakakausap ang mga anak namin at umaasa pa rin ako na dadalawin nila ako.

The Manager

Dear Manager,

Thank you for your trust at hindi mo lang sinarili ang nararamdaman mong kalungkutan. Kung may pagkakataon, subukan mo muling kausapin ang iyong asawa. Suyuin mo siya at ipahayag ang iyong nararamdaman. Try to convince her na kalimutan na ang mga bagay na hindi ninyo mapagkasunduan. Para na rin sa mga anak ninyo. Kahit malalaki na sila at may sarili ng pamilya.

Ipasa-Diyos mo rin ang iyong kalagayan.Alam niya ang nararapat para sa’yo. Lumapit ka rin sa mga pwedeng mag-advice sa iyo regarding your conjugal relationship.

Hayaan mo, kasama kayo ng pamilya mo sa ipagdarasal ko kay Lord na maging maayos at maging masaya muli bilang pamilya.

DR. LOVE

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with