Hawak ni misis ang ATM
(Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Sikreto ko lang talaga ‘to. Tawagin n’yo na lang akong Pog. ‘Yung ATM ko, nasa misis ko. Minsan nahihirapan ako kasi kapag nanghihingi ang mga anak ko ng dagdag na baon. Sinasabi ko na hu-mingi na lang sila sa mama nila. Wala naman akong problema roon.

Ang totoo, mainam ‘yun dahil wala akong iniintinding pagkakagastusan. Pero minsan kapag nagkakayayaan sa opisina at mag-aambagan, eh wala akong maibigay. Madalas kinakapos ang allowance na bigay ni misis. 

Hindi ko na nga rin maisip bumili ng mga personal kong mga gamit. Kapag may bibilhin ako,  magpapaalam pa ako kay misis. Para tuloy akong bata na nagpapabili ng gusto ko.

Mahal ko ang misis ko at hindi ako nanunumbat, ang gusto ko lang sana maging maayos ang pagba-budget niya at madagdagan ang allowance ko.

Para naman may pang good time ako paminsan-minsan.

Maraming salamat po.

Pog

Dear Pog,

Ang pagpapamilya ay pag-aalay ng sarili sa iyong minamahal, sa iyong asawa’t mga anak. May pagbabago talaga, hindi tulad noong ikaw ay binata pa.

Pwede namang nasa misis mo ang ATM mo. Mainam talaga ‘yun para makatipid kayo. Turuan mo rin ang mga anak mo na hindi basta-basta lang ang kumita ng pera. Turuan mo silang mag-ipon, itabi ang natitira nilang baon para kung may gagastusin sa school makakabawas man lang sa babayaran ninyo.

Huwag kang mag-alala may awa ang Diyos. Kausapin mo rin ang asawa mo, ipaalam mo sa kanya ng saloobin mo.  Pero tiyakin mo na hindi pag-ugatan ng problema kapag nasa iyo na ang ATM, baka naman mawili ka sa kaka-good time.

Dapat talaga tulungan sa pamilya. Kung maka-hanap ka ng sideline mo para may pandagdag ka sa panggastos ninyo, gawin mo.

DR. LOVE

 

 

 

 

 

ATM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with