Tres Amores
(Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Sumulat ako sa iyo sa pag-asang matulungan mo ako sa pagbuo ng desisyon na may kinalaman sa aking buhay-pag-ibig.

Tawagin mo na lang akong Sandy, isang third year student sa kursong nursing. 20 years old na po ako at maraming manliligaw ngunit tatlo sa kanila ang pinagpipilian ko. Pare-pareho silang may puwang sa puso ko at wala akong itulak-kabigin.

Si Nestor ay guwapo, mabait at responsable. Nakita ko ito sa kanyang pagkukwento tungkol sa mga magulang at kapatid niya na aniya’y pangarap niyang hanguin sa kahirapan kapag nakatapos na siya sa kursong accountancy.

Si Reggie naman ay isang sikat na basketball player sa aming pamantasan. Matangkad, dark skinned at crush ng bayan. Hindi siya pala­kwento tungkol sa kanyang pamilya pero he is a gentleman.

Ang ikatlong nagugustuhan ko ay si Rosendo. Katamtaman ang height, nakasalamin at scholar sa aming school sa kursong Law. Mabait din siya at gentleman gaya nina Nestor at Reggie.

Wala pa akong sinasagot sa kanila pero lahat sila’y may puwang sa puso ko. Halos three months na silang nanliligaw sa akin at hanggang ngayo’y hindi ako makapag-decide. Please help me.

Sandy

Dear Sandy,

Kung three months mo pa lang sila nakikilala, maglaan ka pa ng ilang panahon para kilalanin mo silang mabuti. Ask them questions na makatutulong para makilala mo pa sila at nang malaman mo kung sila’y nakakaabot sa iyong standard o pamantayan. Ang mga katanungang iyan ay ikaw lamang ang pwedeng mag-formulate.

Tatlong bagay ang dapat mong tiyakin. Sino sa kanila ang pinakaresponsable sa pagtataguyod ng pamilya. Tingnan mo kung sino ang kanilang mga kaibigan, dahil d’yan mo makikilatis ang kalidad ng kanilang pagkatao. 

Alamin mo rin, kung puwede, ang reputasyon ng kani-kanilang pamilya. Mababatid mo iyan sa pagtatanong sa iba’t ibang tao na alam mong nakakikilala sa kanila.

Parang detective work, ano? Ngunit since gusto mong malaman kung sino sa kanila ang karapatdapat para sa iyo, iyan ang mga bagay na dapat mong gawin. Gaya ng isang detective meron kang fact na basehan sa iyong susunod na hakbang hanggang sa mabuo mong ganap ang iyong pasya.

Sa paninigurong gaya nito ay masasabi natin na maaaring lumiit ang tsansang pagsisihan mo anuman o sino man sa mga manliligaw mo ang pagkakatiwalaan mo ng iyong matamis na oo.

Dr. Love

TRES AMORES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with