Insecure dahil sa pimples
(Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Sumulat ako para makahugot ng lakas. Sabi ng mga klasmeyts ko, huwag daw akong ma-insecure. Basta be myself. Pero dumarating ang pagse-self pity ko. Kapag nahihimasmasan na ako, unti-unti namang naglalabasan ang mga pimple ang sana kung lalaki ako.  Eh, kaso isa akong dalagang Pilipina na puno ng pimples.

Nag-try na ako ng mga pampahid para matanggal ang tigidig ko sa mukha. Noong junior high pa ko, paisa-isa lang ang sulpot nito. Ngayon, parang kinalaykay na kalye na ang pisngi ko.

Masakit lalo na kapag may nakain akong malansa. Wala naman akong pera para magpaderma. Mahirap lang kami. Siguro kung may mangangailangan ng model para sa horror movie, malamang makuha ako.

Hindi tuloy ako nakikipag-usap sa mga guy. Kapag tinitingnan nila ako at napapangisi parang gusto kong manapak at mag-amok. Madalas napagtatawanan at napag-uusapan ako.  Merong sobrang manlait, akala mo hindi pa sila tinubuan ng pimple sa mukha.

Kasalanan ko ba ito? Malinis naman ako sa katawan at hindi laging nagpupuyat.

Kapag may lumalapit sa aking lalaki, naghahalo ang damdamin ko. Naiisip ko minsan, kaya lang siya lalapit dahil naaawa sa akin o kaya para lang malait ako ng harapan.

‘Yung iba pinipiktsuran ako. Tapos lalo pang bababuyin ang mukha ko.  Mahirap talaga, lalo na kapag nakikita ko ang crush ko.

Mabait siya pero natatakot akong lumapit sa kanya. Kasi baka madamay siya. Napakatahimik pa naman niya at may dating. Parang si Alden. 

Maraming salamat po.  

Binibining Pina

 

Dear Binibining Pina,

Alam mo noong ka-sing edad mo ako, fourth year high school ang dami ko ring pimples. Ganun din, parang ikaw na mahiyain at insecure ako talaga. Mahirap makibagay at tiyak na may manlalait o mambubuska sa iyo. Pero hindi ko lang sila pinansin. Kahit anong kutya nila, hindi ako nagpadaig. Bagkus sinabi ko sa sarili ko na inaapi na nga nila ako, pati ba ang mismong sarili ko ay kakaawaan ko?

Doon ako nagkalakas ng loob. Hindi naman lahat gagawing kakatuwa ang ating kalagayan, dahil mayroon din namang magmamalasakit at totoong igagalang ka. Doon ka makipagkaibigan sa tanggap ka at tinutulu-ngan kang magkaroong ng self confidence.  Ha-yaan mo, mawawala rin ang mga pimple na ‘yan. Basta patuloy kang humanap ng paraan para mapagaling ang mga ‘yan.  Makakatulong ang mga mild na sabon, gayundin ang tamang diet at sapat na tulog.

DR. LOVE

DR.LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with