Nananabik sa mga magulang
(Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Paano po ang gagawin ko? Panay pangako lang ang mga magulang ko na magbabalikan sila para sa aming dalawang magkapatid. Iniwan kami sa probinsiya, sa aming lolo at lola na sila ng nag-aruga sa amin.

Nakakainggit kapag nakakakita ako ng isang pamilya na nagsisimba o kaya’y sabay-sabay na kumakain sa fastfood.

Mag-aanim na taon na rin simula ng iwan kami nila mama at papa. Pareho silang nag-asawa ng iba. Si papa ang unang gumawa ng kasalanan sa amin. Gumanti lang si mama. Wala pa naman kaming kakayahang magsalita noong panahong ‘yon, sampung taon ako noon. Maramdamin ako at iyakin. ‘Yun lang ang nagawa ko nun, ang umiyak at humagulgol. Dahil sa pangyayaring ‘yon, namuo ang pagiging sensitive ko at madali rin akong magalit. Dumating din na halos sisihin ko sila lolo at lola dahil wala silang ginagawa para magkabalikan ang parents namin.

Hindi ko inisip na malaki pala ang utang na loob namin sa kanila. Three years old palang ang kapatid ko noon kaya hindi siya gaanong apektado.

Kung nababasa nila papa at mama ito, sana po kahit minsan ay dalawin naman nila kami.  Mahal ko naman sila. Nangungulila ako at umaasang mabigyan nila kami ng konting oras, kahit minsan lang sa isang taon.

Maraming salamat po.

Jessy Mae

Dear Jessy Mae,

Umaasa rin ako na mabuksan ang puso ng inyong ama’t ina. Maliwanagan san sila para matugunan ang higit sa pinansiyal na pangangailangan, kundi lalo na inaasam-asam ninyong pagkalinga.

Huwag n’yo sanang dagdagan pa ang inyong pangit na karanasan, sa halip ay magsikap kayong mag-aral at tumanaw kayo ng utang na loob sa inyong lolo’t lola. Kung inalagaan nila kayo, alagaan din ninyo sila sa panahon na sila naman ang mangaila-ngan ng kalinga.  Maraming salamat sa ibinahagi mo.

Dr. Love

MAGULANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with