Basketball player na naloko
(Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Isa akong athlete, player ako ng basketball sa aming school. May nakilala akong girl. Maganda siya at natipuhan ko.

Siyempre na love at first sight ako. Klasmeyt ko siya sa isang subject. Syempre ginamit ko ang pagiging player ko para mapalapit sa kanya.

Libreng lunch, libreng ticket kapag may laro kami at minsan inaaya ko rin siyang gumimik sa gabi.

Ready na akong ligawan siya. Kaya tinanong ko kung may bf na siya, ang sabi niya wala. Matagal na raw simula ng nag-aral siya rito sa Manila.

Minsan napapansin ko kapag may tumatawag sa kanya, bigla na lang siyang magpapaalam na may gagawin siya. Balewala lang sa akin ‘yun kasi nga baka talagang may gagawin lang siya.

Buo ang tiwala ko na wala siyang bf. Pero ng naging “kami na”, may isang lalaki na kumumpronta sa akin. Tigilan ko na raw ang gf niya. Nagulat na lang ako dahil ang alam ko, wala siyang bf. Nawalan ako ng gana sa kanya. Para siyang isang bulaklak na nawalan ng bango. Kaya nilihim ko na lang ang aking pag-iwas sa kanya.

Sirang-sira na kasi ang imahe naming mga player, parang lagi kami ang nasasabihan na manloloko at mang-aagaw.

Napansin din niya ang ginagawa kong pag-iwas. Kinausap ko siya ng masinsinan. Nahihiya ako sa bf niya dahil patuloy pa pala ang kanilang relasyon. Ang masakit ang bf pa niya ang gumagastos ng mga pangangailangan niya. Maging ang pamasahe niya galing sa probinsiya. Mismong sa bibig ng bf niya ito galing.

Mabuti at hindi ako inaway nung guy. Hiyang-hiya ako sa kanya. Humingi rin ako ng pasensiya sa kanya at nangakong hindi ko na kakausapin pang muli ang gf niya.

Humihingi ng isa pang pagkakataon itong girl sa akin kung pwede kahit magkaibigan na lang kami. Pero hindi ko pa alam kung tatanggapin ko.

Red

Dear Red,

Maraming salamat sa ibinahagi mo. Minsan mahirap ang kalagayan ninyong mga athlete dahil parang mga artista na rin kayo dahil sa social media. Tama lang ang naging desisyon mo na lumayo. At kung bumabalik pa ang girl sa iyo, mabuting huwag na lang. Nakuha na niyang magsinu-ngaling sa iyo at sa bf niya kaya pwede pa rin iyon maulit. At bilang respeto sa bf niya, mabuting huwag mo na lang siyang kausapin muli. Magsilbing aral sa iyo ito at sa mga kabataang tulad mo, huwag masyadong papadala sa panlabas na anyo. At kilalanin muna ng mabuti ang mga taong nakakasalamuha mo. Maraming salamat muli. God bless, kailan ba ang laro ninyo?

Dr. Love

BASKETBALL PLAYER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with