Mahilig si Mister
(Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Sampung taon na kaming kasal ng aking mister na si Adolfo, pero ang hilig niya sa sex ay hindi nagbabago simula’t sapul. Masyado siyang romantiko. Gusto niya ay magtatalik kami pagda-ting mula opisina at bago matulog sa gabi.

Paggising sa umaga ay ‘yun pa rin ang gusto niyang gawin namin. Siyanga pala, tawagin mo na lang akong Loriza 38 years old at may limang anak.

Wala naman akong maipipintas sa kanya bilang good provider sa aming pamilya. Palagi rin akong may rasyong bulaklak at expensive chocolate mula sa kanya.

Kahit masakit ang katawan ko ay napipilitan akong pagbigyan siya dahil ayokong maghanap siya ng ibang kandungan kapag hindi ko siya napagbigyan. Mabuti’t pumayag siyang magpa-ligate ako para hindi na ako mabuntis.

Kaso, kahit masama ang pakiramdam ko ay gusto niya akong makipagtalik sa kanya. Ang pahinga ko lang ay kapag may monthly period ako. Minsan, hindi ko na madama ang kasiyahan sa pagtatalik dahil napipilitan lang ako.

Ano ang dapat kong gawin?

Loriza

Dear Loriza,

Mapalad ka dahil ang ibang mga misis ay namumroblema sa panlalamig ng kanilang mga asawa. Medyo lampas sa normal ang appetite ng iyong mister pero sa isang banda, dapat kang matuwa dahil indikasyon ito na wala siyang ibang babaeng sinisipingan tulad ng ibang lalaki.

Kung talagang masama ang pakiramdam mo, palagay ko ay mauunawaan ka niya kung sasabihin mo ito nang maayos. Kung totoong mahal ka niya, irerespeto niya ang iyong nararamdaman. Baka kasi puro ka lang pretension sa inyong pagtatalik para pagbigyan mo siya. Hindi rin tama ang ganoon.

Sa pangkalahatan, napakapalad mo sa pagkakaroon ng asawa na kagaya niya na responsable sa pamilya at tulad nang nasabi mo ay good provider. Marahil, ang pagpapaunlak mo sa kanyang hilig ay matatawag na reward sa kanyang pagiging mabuting asawa.

Dr. Love

MAHILIG SI MISTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with