Laging late ang bf
(Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Minsan relate na relate ako sa mga letter dito sa column ninyo. Marami rin akong natututunan. Gustong gusto ko ‘yung huling nabasa ko, ‘yung tungkol sa laptop. Mababaw lang din naman ako.

Wala naman akong mabigat na problema sa relationship namin ng bf ko. Ang napapansin ko lang, lagi siyang late. Isa lang ang naging maagap siya, first bf ko siya.

Kapag may date kami, magsasabi siya ng araw at oras kung kailan kami magkikita at saan. Halos isang oras akong naghihintay sa kanya.

Kapag may pinapagawa ako sa kanya, kung kailan kailangan na, saka pa lang niya gagawin. Isang beses na hindi ako nakapagpigil, nasigawan ko siya. Alam niyang bawal na bawal ang ma-late sa airport. Papunta kaming Boracay. Ang tagal niya sa cr, grabe! Ang nakakahiya, tinatawag na ang pa­ngalan namin para makasakay na sa plane. Kakainis  parang ayaw ko nang tumuloy.

Mabuti na lang bumawi siya at nag-sorry naman.

Ano kaya ang magandang gawin para matulu-ngan ko ang bf ko?

Jenny

Dear Jenny,

Kailangan talaga na mapagpasensiya ka sa kanya.

Ganito iha, kasi kapag laging nasasabihan ang isang tao na late,  Napapahiya, kaya iwasan mo ‘yun. Nawawala kasi ang self confidence ng tao kapag napapahiya. Ang mainam ay mag-usap kayo kung male-late siyang muli, ililibre ka niya ng paborito mong dessert.

Turuan mo siyang magplano ng maaga. Huwag sa takdang oras siya darating, dapat mas maaga. Para hindi siya nale-late.

Dr.Love

LATE ANG BF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with