Nakamit na hiling
(Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Nasa maayos ang estado ng aming kabuhayan noong bata pa ang aking mga anak, kahit bagong kasal palang kami ng aking mister ay agad na niya kaming inulila. Sumakabilang buhay siya.

Nakapag-asawa akong muli, pero pumanaw din. Dito na nagsimula ang aking kalbaryo. Dahil lumalaki na ang aking mga anak, naubos lahat ang aming mga naipundar.

Naging sakit sa ulo ko ang aking mga anak, lalo na si Jay-ar. Nalulong sa bisyo kasama na ang droga. Ang masaklap may sariling pamilya na si Jay-ar. Kaya lalong naging mabigat sa akin ang kanilang sitwasyon. Ang tanging hiling ko ay magbago ang kanyang buhay.

Sa awa ng Diyos, nabuksan ang diwa ni Jay-ar. Nagsimula siyang magtinda sa Luneta ng mga laruan. Ang buong akala ko, hindi ko na masasagip ang anak kong ito dahil maging ang sarili niyang pamilya ay napabayaan na niya. Pero hindi ako tumigil ng pagdarasal at tiwala sa Diyos, kaya tuluyan kong nasaksihan ang kagandahang loob ng Diyos sa aking pamilya.

Medyo matanda na ako, masaya na akong makitang nasa magandang kalagayan na ang aking mga anak lalo na si Jay-ar at mga apo ko.

Kung kukunin ako ni Lord ay ok lang.

Aling Taritz

Dear Aling Taritz,

Maraming salamat sa ibinahagi mo, na-realize ko na marami pa ring simpleng tao ang may simpleng pananampalataya. Ang pagpaubaya mo ng iyong buhay, maging ang buhay ng iyong mga anak ay tunay na pagtitiwala sa malawak na pag-ibig at awa ng Maykapal. Dalangin ko rin ang tagumpay ni Jay-ar at magkaroon siya ng  maayos na hanapbuhay.

Ipinakita mo na hindi dapat huminto at mawalan ng pag-asa sa buhay. Isang inspirasyon ang ginawa mo. Pagpalain ka ng Maykapal.

DR. LOVE

 

 

 

HILING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with