^

Dr. Love

Mahilig magkumpara ang gf

Agence France-Presse

Dear Dr. Love,

Naiinis po ako sa gf ko dahil ang hilig niyang ikumpara ang sitwasyon namin sa sitwasyon ng kaibigan niya.

Parang kailangan na kung ano ang nangyayari sa kaibigan niya o kaya kung ano ang mayroon sila, dapat ganun kami. Pati nga away nila binabanggit niya.

Naniniwala kasi siya na mas healthy daw ang relationship kung laging nag-aaway.

Kung anu-ano ang binabanggit niya na bakit hindi ako showy, kung ano ang gusto ko at ayaw ko. Bakit ayaw ko raw sabihin kung ano ang nararamdaman ko.

Hindi kasi ako emosyonal na tao tulad nang inaasahan niya. ‘Yung kaibigan niya laging nag-aaway, parang mga bata.

Galit bati nang galit bati. Hindi naman maganda ang ganun. Marunong akong makiramdam, kaya nga ayaw kong magsalita.

Natutunan ko kasi ito sa tatay ko. Dapat kasi magsusundalo siya. Kaso kulang sa taas. Pero sa higpit, sobra. Pati ang pagsubo ng pagkain at pag-upo, pinapansin niya.

Lagi rin niyang bilin na huwag ko raw sabihin sa iba ang nararamdaman ko kasi isang pagpapakita ito ng kahinaan.

Bakit hindi ko raw siya inaaway, kahit alam niyang demanding siya sa akin. Baka raw hindi mahalaga ang ginagawa niya para sa akin. Hindi niya naisip na kaya hindi ko siya inaaway ay dahil ayaw kong magkaproblema kami ng malaki. Alam ko na ngang very sensitive siya. Alam kong mahina at emosyonal ang gf ko at gusto ko sanang maunawaan niya ang pagiging tahimik ko.

Jerrick

Dear Jerrick,

Maganda ang ibinahagi mo. Tiyak kong marami ang matututo sa relationship ninyo. Marami ang insecure sa relationship. Hindi naman sa mali ang gf mo.  May point din siya.

Pero tama ng ginagawa mo at layunin mong ma-ging iba ang kanyang pananaw. Ngunit kailangan mo ring ipaliwanag ang lahat para maintidihan ka niya.

Learn to complement each other. Ang tendency kasi, lalong magiging insecure ang gf mo kung hindi mo matutugunan ang mga hinahanap niya sa iyo.

Tuloy mo lang ang ginagawa mo dahil hindi rin maganda kung babaguhin mo ang ugali mo para lang ma-please siya. Pagpalain kayo ng Diyos.

Dr. Love

vuukle comment

MAGKUMPARA GF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with