^

Dr. Love

Persistent boyfriend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

A very warm greeting to you! Call me Althea, 18 years old. As of now, subsob ang ulo ko sa pag-aaral dahil gusto ng parents ko na makatapos ako ng nursing para ma-petition ako ng aking Canadian citizen na kuya.

Bilin ng mama at papa ko na tapusin ko ang aking pag-aaral. Middle class family lang kami and if it were not for the financial help of my big brother in Canada, malabong makapag-aral ako. At determinado talaga akong matupad ang pangarap ng parents ko.

Hanggang makilala ko at maging boyfriend si Mencio, who is 28 years old. Self-made businessman siya at maginoo kaya na-in love ako sa kanya. He wants us to get married. Hindi ko raw kailangang mag-abroad dahil kaya niya akong bigyan ng marangya at disenteng buhay.

Sabi niya, kung ipipilit ko ang pangarap kong mag-abroad, hahanap na lang siya ng ibang girlfriend. Mahal ko siya pero takot akong mabigo ang great dreams para sa akin ng aking pamilya. Pero takot din akong mawala sa akin si Mencio.

Tulungan mo po ako.

Althea

Dear Althea,

Know your priority and stick to it. Ano ang mas matimbang para sa iyo, ang pangarap mo o ang iyong boyfriend? Isa lang ang puwedeng piliin at ikaw lang ang puwedeng magpasya.

May kalayaan kang pumili pero tandaan mo ito, ano man ang piliin mo, hindi maiiwasang may masasaktan and it’s either your family or your boyfriend. You cannot have best of both worlds.

Pero kung ako ang nasa kalagayan mo, I will have to choose my ambition which is also the dream of my parents. After all, bata ka pa at mas dapat gawing prayoridad ang makabubuti sa iyong future.

Mas masakit kung ang magulang ang magdaramdam sa iyo at kung boyfriend mo ang masasaktan, panandalian lang iyon at mawawala kapag nakakita siya ng ibang mamahalin.

Dr. Love

vuukle comment

PERSISTENT BOYFRIEND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with