Hindi na kayang pakasal
(Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Naiinis ako dahil para akong pinaglalaruan ng tadhana. Hindi ko alam ngayon na nagdesisyon na akong hiwalayan ang mister ko ay saka pa siya nag-aya na magpakasal kami sa simbahan.

Matindi na kasi ang ginagawa niya sa akin. Ilang beses na akong nagtangkang umalis ng bahay para hiwalayan siya, kaso naaawa ako sa mga anak namin. Ayoko rin namang lumaki sila nang walang tatay.

Bukod sa lasinggero, lagi ring nakiki-paglandian sa mga babae. Uuwi ng madaling araw tapos hindi makakapasok sa trabaho niya kinabukasan dahil may hang-over.

Nakakapagod din naman. Kaya nitong isang araw, nagdesisyon na ako na babalik na lang ako sa aking mga magulang para wala na akong iintindihin na pasaway at abusadong asawa. Malakas ang loob niya kasi hindi kami kasal.

Pero kinausap niya ako para hindi na ako umalis, humingi siya ng tawad sa ginawa niyang mga kasalanan sa akin at mga pagkukulang niya sa aming mga anak. Sinabi ko sa kanya na kaya ko siyang patawarin pero hindi ko na kayang magpakasal sa kanya.

Hindi ko alam, kung tama ako na huwag nang magpakasal sa kanya dahil mas nabuo ang takot ko na kapag nakasal kami lalo lang siya aabuso at may dahilan na siya para hindi ako umalis ng bahay at iwanan siya.  Sana po matulungan ninyo ako dahil parang nawawala na kasi ang pagmamahal ko sa kanya.

Shane

Dear  Shane,

Pag-isipan mo munang mabuti kung talagang hindi mo na mahal ang mister mo.  Li-nawin mong mabuti sa kanya ang gusto mong mangyari. Mag-usap kayo nang maayos. Para malinaw ang lahat.

Dahil hindi naman solusyon ang kasal kung hindi rin siya tunay na magbabago. Isipin rin ninyo ang magiging kalagayan ng inyong mga anak.

Sana hindi na sila madamay sa gulo ninyong dalawa. Kung gusto mo naman na bigyan siya ng pagkakataon, ipangako niya sa iyo at patunayan muna bago ka sumang-ayon sa gusto niyang kasalan.

Pwede naman para mas maging maayos ang lahat at maging makatotohanan ang sumpaan ninyo sa altar.

DR. LOVE

DR LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with