Pasaway ang mga anak
(Pilipino Star Ngayon) - August 21, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Ang daming dapat asikasuhin.Napapagod din naman ako. Maghapon na akong naghahanapbuhay tapos ako pa rin ang mag-aasikao ng mga gawaing bahay.

Mahirap dahil maghapon akong dada nang dada sa mga estudyante ko. Sa isang araw paos ang i­naabot ng boses ko. Kasama pa ang saway sa mga makukulit at papansin na estudyante.

Kailangan kong kumayod, tatlo ang pinag-aaral namin ng mister ko. Halos nasa kolehiyo na sila.

Ewan ko, turo ako nang turo sa ibang mga kabataan pero ang mga anak ko pasaway din naman. Sinasabihan ko nga sila na galangin nila ako dahil ang ibang tao, mataas ang paggalang sa guro.

Hindi naman ako nagkulang ng payo sa kanila. Maliit din lang naman ang kita ng mister ko sa pag­lalabas niya ng tricycle.

Hindi ko naman maipakisuyo sa mister ko ang ibang gawain. Dahil pagod na rin siya sa paghaha­napbuhay. Minsan, nag-aaway lang kami dahil hinahayaan lang niyang mag-computer ang mga anak namin.

Hindi ko alam kung bakit naging tamad ang mga anak ko. Ang sipag naman naming mag-asawa.

Loida

Dear Loida,

Huwag kang susuko sa nararanasan mo ngayon. Huwag kang padadala sa mga sasabihin ng iba. Hindi ibig sabihin na dahil isa kang guro, lahat ay tama at maayos sa buhay mo. Marami ring tulad mo na sakit ng ulo nila ang kanilang mga anak.

Patuloy ka lang magpaalala sa iyong mga anak. Sa ngayon hindi pa nila nararamdaman at nararanasan ang ginagawa mong malasakit sa kanila.  Apektado talaga ang mga kabataan ngayon ng social media.

Hindi naman masama ang ipakita mo sa kanila na nahihirapan ka at nagagalit sa kanilang katamaran. Basta huwag ka lang mananakit. Darating din ang araw na mauunawaan nila ang ginagawa mo.

Samahan mo na rin ng dasal para magbago ang iyong mga anak.

Dr. Love

ANAK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with