Huwag kang papaapi
(Pilipino Star Ngayon) - August 17, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Sakitin ako kahit noong high school pa. Ayaw na ayaw ni mama na magka-boyfriend ako. Kaya panay ang iwas ko sa mga lalaki. Hindi ko naman sila binigo. Naka-graduate ako ng college at pinayagan din nila akong magkaroon ng bf.

Mabait ang naging bf ko hanggang nagsama na kami kaso nakikitira lang kami sa aking pa-rents. Ok naman sana… ganun ba talaga? Biglang nagbago ang ugali niya nang magkaanak na kami.

Hindi kami kasal kaya siguro naging malakas ang loob niyang balewalain ako at ang aming anak. Hindi po ito gawa-gawa lamang, totoong na-disappoint ako sa kanya. Napapabayaan na niya kami. Huwag ko raw siya pakialaman lalo na kapag kasama niya ang kanyang boss at officemates. Inuman sila sa bahay ng magulang ko.

Ako ang nahihiya sa parents ko. Feeling ko nabigo ko sila. Sumunod naman ako sa kanila mula pa nang nag-aaral ako. Minalas lang talaga ako sa naging asawa ko.

Ang hindi ko matanggap noong nagkasakit siya, inasikaso namin siya sa tulong na rin ng parents ko. Hiyang hiya ako. 

Nang gumaling na siya, balik uli sa kanyang buhay binata. Hanggang naging dalawa na ang aming anak. Nagdesisyon ang parents ko na humiwalay muna kami sa kanila pero ayaw ng mister ko, paano raw kami makakabayad ng upa. Siya pa ang galit sa magulang ko.

Simula noon na-ging mainit ang dugo niya. Lagi siyang nagmumura at naghahamon ng hiwalayan. Mahal ko po siya, kaya hindi ko kayang iwanan siya. Iyon ang hindi ko maunawaan sa kanya, sa kabila ng pagmamahal ko halos saktan pa niya ako.  Maraming salamat po.

Aicel

Dear Aicel,

Huwag mong ma-syadong pahirapan ang iyong sarili. Kung talagang mahal ka ng asawa mo, dapat pinakasalan ka niya. Kay padre o kay yorme, dahil dito nalalahad ang inyong tipanan at kasunduan.

Dalawa na ang inyong anak, obligasyon ng isang ama na arugain at palakihin ng maayos ang kanyang mga anak. Huwag kang puma-yag na basta na lang at kung ano na lang ang maging desisyon niya ay sasang-ayon ka. Ipaglaban mo ang iyong karapatan bilang babae, ina at asawa.

DR. LOVE

DR LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with