Doble-karang boyfriend
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Gusto ko pong isangguni sa inyo ang aking boyfriend na iba ang ipinakikitang ugali sa akin na taliwas pala sa totoo niyang pagkatao.

Tawagin n’yo na lang akong Lynnette, 20-anyos.

First serious boyfriend ko si Josh at nakilala ko siya sa birthday party ng kaibigan ko. Agad naman akong nagka-crush sa kanya dahil artistahin ang dating niya, hindi mayabang at maginoo. Kaya nang manligaw siya sa akin, mga one week lang ay tinanggap ko na siya.

Tatlong buwan na ang aming relasyon nang may mga pangit na bagay akong nabalitaan tungkol sa kanya, na siya ay adik at nagtutulak ng shabu. Ayaw kong maniwala dahil hindi ‘yun ang nakikita ko sa personal niya. Madalas nga niyang sabihin sa akin na hate na hate niya ang droga dahil nakakasira sa kinabukasan ng isang kabataan.

Ngunit hindi nagtagal, nabalitaan kong kasama siya sa mga hinuli ng operatiba sa paggamit ng bawal na gamot. Nakumpirma ko ang balita na user siya. Nakapiit siya ngayon at hindi ko malaman kung dadalawin ko siya dahil niloko niya ako.

Pagpayuhan mo po ako, Dr. Love. Dapat ko bang tapusin na ang relasyon ko sa kanya? Posible pa kaya na siya’y magbago?

Lynnette

Dear Lynnette,

Ang pagbabago ay laging posible kung gugustuhin ng isang tao. Dalawin mo sa piitan si Josh at alamin kung bakit siya nalulong sa droga at kung handa siyang magbagong-buhay alang-alang sa inyong relasyon.

Malay mo, baka ikaw ang gagamitin ng Diyos para magbago ang isang nilalang na naligaw ng landas.

Kung iba ang pagkatao na ipinakita niya sa iyo, natural lamang ‘yon dahil niligawan ka niya. Pero hindi pa huli ang lahat para siya ay magbagong-buhay. Inuulit ko, kung hihingi siya ng isang pagkakataong magbago, huwag mo itong ipagkait sa kanya.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with