Infatuation
(Pilipino Star Ngayon) - August 14, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Greetings to you. My name is Missy de Lacsa, 18-years old. Perhaps you will say I’m too young to love but that is the current situation of my heart. Strangely, I’m in love with the father of my best friend Laarni who is 20 years older than I am.

Wala namang masama dahil two years na siyang biyudo. Napakabait kasi niya sa akin at sa tingin ko, may gusto rin siya sa akin.  Hindi ko ipinagtatapat ang nararamdaman ko kay Laarni dahil nahihiya ako.

Kaso, it has been two years now na magkakilala kami ng tatay niya pero hindi naman ito nagpo-propose. Hindi naman nagbabago ang kanyang kabaitan at kapag birthday ko at Pasko, may regalo siya lagi sa akin.

Patuloy akong nangangarap nang gising na kaming dalawa ay mag-on, but to no avail. Ibig ko nang ako ang magtapat pero wala akong lakas ng loob.

Hanggang isang araw, nalaman kong mag-aasawa na siyang muli at parang sumabog ang dibdib ko sa balita. Matagal akong hindi nakikipagkita sa friend ko. Tinitext niya ako at sinasabi kong busy lang ako. Pagpayuhan mo ako dahil gulong gulo ang isip ko.

Missy

Dear Missy,

Namis-interpret mo lang ang kabaitan sa iyo ng ama ng kaibigan mo. And I imagine, makisig siguro at matikas siya kaya nagkaroon ka ng damdamin para sa kanya.

Kalimutan mo na siya and move on. Marami pang lalaki riyan na mas bagay sa iyo. I’m sure na sa murang edad mo ngayon, what you felt for the father of your best friend is plain infatuation.

Tiyak ko na darating ang araw na sa tuwing maaalala mo ang nangyari sa iyo ngayon ay tatawa ka lang. Kaya huwag mong pigilin ang pag-ikot ng iyong mundo and continue to live and love life.

Dr. Love

DR LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with