Nagsisisi sa pagka-agresibo
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - August 13, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Talagang nagsisisi ako sa sobrang agresibo ko nasaktan ko ang gf ko. Balak ko lang naman mag-date sa monthsary namin.

Natupad naman ang balak namin namas­yal sa MOA. Kumain kami sa isang kilalang fastfood.

Napaghandaan ko naman ang lahat ng gagastusin. Nanood pa nga kami ng sine at nang maggagabi na inaya ko siyang uminom sa Roxas Boulevard. Medyo me amats na ako kaya nag-aya ako ng mag-motel kami.

Ayaw niyang pumayag. Hindi ko na-control ang sarili ko. Nasigawan ko siya at mahigpit ang hawak ko sa braso niya. Umaangal na siya pero pinipilit ko pa rin ang gusto. Sinampal niya ako at doon lang ako natauhan.  Iniwan niya ako sabay sakay ng taxi.

Umuwi ako na masama ang loob. Kinabukasan ko lang naisip na masyado akong naging agresibo. Kung anu-ano kasi ang pumasok sa isip ko. Akala ko lang naman na papayag siya.

Hanggang ngayon hindi pa niya sinasagot ang tawag ko. At naka-block ako sa fb niya. Kung nababasa niya ito, talagang humihingi ako ng sorry sa kanya.

Sayang marami pa naman siyang pangarap para sa aming dalawa. Ayaw kasi ng parents niyang mahinto siya sa pag-aaral. 

Raymundo

Dear Raymundo,

Kahit sinong babae, gusto nilang nirerespeto ang kanilang pagkababae. Pwede naman kayong mag-date ng walang sex. Alalahanin mo na hindi ito ang sukatan ng tunay na pagmamahal.

Palawakin mo ang iyong pananaw sa pagmamahal. Ang isang relationship ay magiging matatag kung may basbas at gabay kayo ng magulang ninyo. At maging tapat kayo sa kanila.

Kung nasasaktan ka sa maling nagawa mo, mas nasasaktan ang isang magulang na malaman nilang hindi nirerespeto ng isang lalaki ang kanilang anak na babae. Isang aral na sa iyo ito na hindi lahat pwede mong gawin sa iyong gf. Sana natuto ka na.

Dr. Love

 

 

 

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with