^

Dr. Love

Mahilig sa pusa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tatlong buwan palang akong kasal kay Jimmy. Hindi ko akalaing mahilig siya sa mga pusa. Nung magsiyota pa lang kami, wala naman siyang ikinukuwento tungkol sa mga pet cats niya. Bawat pusang ligaw na makita niya sa kalye ay dinadampot at inuuwi.

Ako nga pala si Marlyn, 21-anyos.

Hindi na mabilang ang mga pusa sa aming bahay. Hindi sana problema ito pero ang bahay namin ay nangangamoy na dahil kahit saan ay dumudumi ang mga ito. Isa pa, madalas akong atakihin ng aking asthma dahil sa mga pusang ito. Kapag nagkakalat ang mga ito, ako ang naglilinis.

Kinausap ko na si Jimmy. Hindi naman namin dapat pag-awayan ang mga alaga niya pero sabi niya ay gagawa siya ng paraan. Nalaman ko na ipinaglihi siya ng kanyang ina sa pusa kaya ganun na lamang ang pagmamahal niya sa mga pusa.

Naasar na ako dahil dalawang buwan na ang lumipas ay walang ginagawa si Jimmy para dispatsahin ang kanyang mga alaga. Dumating na ito sa puntong nagbabangayan na kami.

Dapat bang masira ang isang relasyon dahil sa mga hayop? Ayoko itong mangyari pero lumulubha ang aking sakit dahil sa mga alaga ni Jimmy. Sa aming naging pagtatalo, sinabihan pa niya ako na mawala na raw ako, huwag lang ang aking mga pusa.

Ano ang gagawin ko sa ganitong klase ng asawa?

Marlyn

Dear Marlyn,

May psychological abnormality yata ang asawa mo. Dapat lang niyang isipin ang kalagayan mo na allergic sa pusa. Sapat na iyon para idispa-tsa niya ang kanyang mga alaga. Iyan ay kung mahal ka niya.

Ngunit kung ganyan ang attitude niya, sabihin mo nang may hinahon na maghiwalay kayo physically dahil baka ang mga pusa pa niya ang maging dahilan nang maaga mong pagpanaw.

Sa ganyang paraan, baka matanto niya na dapat ka niyang pahalagahan kaysa sa mga alaga niyang pusa.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with