Binu-bully dahil sa balahibo
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Nahihirapan akong makitungo sa mga babae kasi may sakit ako sa balat, tinubuan ng balahibo ang kaliwang pisngi ko at sobrang itim pa.

Kahit noong elementary pa ako laman ng tuksuhan ang balahibo sa mukha ko.  Minsan napipikon ako dahil sa sobrang pangbu-bully sa akin. Tuta daw ako o kaya naman pusa at ang  matindi daga.

Napapaiyak na lang ako kapag nag-iisa na lang ako. Nagtatanong nga ko kung bakit sa dami ng bahagi ng katawan ko, bakit sa mukha pa ako tinubuan ng balahibo. Pwede naman sa dibdib o kaya sa puwet.

Ngayong senior high school na ako. Nagkakagusto ako sa mga babae pero wala akong lakas ng loob na manligaw kasi nga sa dating ng itsura ko. Sino ba naman ang magkakagusto sa mukhang may balahibo. Mabuti nga hindi sa buong mukha ko’ di parang unggoy na ang dating ko.

May mga kaibigan naman ako at para sa kanila balewala ang itsura ko. Sila nga ang nagpapalakas ng loob ko lalo na sa mga babae.

Ayokong isiping parusa sa akin ng Diyos ito. Hindi naman po ako salbahe. At wala naman sa pamilya namin ang may mukhang katulad ko. Marami rin akong natatanggap na payo bukod sa parents ko. ‘Yung mga teachers ko, sila ang nagiging inspirasyon ko.

Hindi nga naman mahalaga ang panlabas na kaanyuan. Mas mahalaga pa rin ang mabu-ting ugali. Sana nga po magka-girlfriend na ako.

Khenette,

Happyland Balot

 

Dear Khenette,

Totoo ang sinabi mo na wala sa panlabas na anyo ng tao ang sukatan ng kanyang tunay na halaga at pagkatao. Kahit nilalait-lait ka ng ibang klasmeyt mo, huwag mo silang papansinin. Kung ikaw may balahibo sa mukha, sila naman may dungis ang kalooban.

Pasalamat ka sa mga teacher mo, sa kanilang pag-build ng confidence mo. Basta huwag mong gagayahin at papatulan ang mga nangbu-bully sa’yo.

Huwag kang mag-alala, may magkakagusto rin sa’yo. Kahit na may balahibo ang mukha mo, tiyak kong mamahalin ka niya dahil sa kabutihan mo.

Huwag mo ring sisisihin si Lord. May mga kahinaan o imperfections sa pagkatao natin, alalahanin mong perpekto naman magmahal ang Diyos natin.

Dr. Love

 

 

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with