Pag-aaral ang inuna
(Pilipino Star Ngayon) - July 20, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Sa mga magbabarkada ako na lang ang walang girlfriend. Hindi dahil panget ako. Siguro mapili lang at mas gusto kong makapagtapos muna. 

Ayaw rin ng mama ko na mag-gf ako.

Minsan sinusubukan kong manligaw kaso, hindi ko tinutuloy. Naagaw kasi ang atensyon ko sa pag-aaral at siyempre iniisip ko ang sinabi ni  mama.

May isang babae ngang matiyaga sa akin. Sinabihan na niya akong torpe at manhid sa pag-ibig. Magkaibigan kami at parang aakalain mong magsyota kami kapag magkasama. Minsan naglalakad kaming magka-holding hands at naghaharutan.

Tinutukso nga nila kami kaso hanggang magkaibigan lang talaga ang nararamdaman ko para sa kanya.

Wala namang nanloloko sa akin na bading ako. At hindi ko pinangarap ang maging ganon. Basta masaya lang muna ako na single at no commitment sa girl. Darating din naman ako sa paghahanap ng para sa akin. 

Matagal pa akong ga-graduate, second year college palang ako. 

Marc Angelo

Dear Marc Angelo,

Nakaka-inspired naman ang ibinahagi mo. Magandang halimbawa ‘yan na inuuna mo ang pag-aaral kaysa magka-girlfriend.  Hindi naman masamang makipagrelasyon pero better to focus on your study first.

Basta huwag mong pababayaan ang magandang pakikitungo sa babaeng binabanggit mo. Malay mo, kayo pala talaga ang para sa isa’t isa.

Keep up the good work, iho. Hinay-hinay lang at huwag sobrang subsob sa pag-aaral. Hindi rin maganda na walang social life.  Sige aabangan kong muli ang sulat mo, kapag may girlfriend ka na.

DR. LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with