Ibaba ang pride
(Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Sinabihan ko na ang misis ko na humingi na kami ng tulong sa parents niya para mapagamot ko siya ng maayos. Pero tumanggi siya, dahil simula nang palayasin kami sa kanilang bahay ng mga magulang niya, ayaw niya nang bumalik ni humingi ng tulong sa kanila.

Ilang araw na kaming nagpapa-check up sa sakit niya sa baga. Natutuyuan kasi siya ng pawis habang nagtitinda ng meryenda sa hapon. Minsan naabutan ng ulan. Naiinitan ang kanyang katawan sa pagluluto tapos bigla na lang siyang nababasa. Hindi naman niya iniintindi kung matuyuan siya ng pawis.

Ilang araw na rin niyang dinadaing ang kanyang likod. Kaya nitong  isang linggo ay ipina-check up ko siya. May tubig daw ang kanyang baga, pulmonary edema sabi ng doktor. Hindi lang daw ito sa natutuyuan ng pawis, pati na rin sa mga bumabara sa kanyang puso kaya hindi siya nakakahinga ng mabuti. 

Maraming gamot siyang iniinom para gumaling, hindi sumasapat ang kinikita ko sa pagga-grab. Hindi natupad ang gusto ng mga biyanan ko sa aking misis dahil nag-asawa ng maaga, ‘yun ang naisusumbat sa kanya.

Kinumbinsi ko siyang, ibaba ang pride at lumapit na kami sa kanyang parents para matulungan kami kahit pampagamot lang niya.

Wala pa rin naman kaming ipon, maliit pa ang nag-iisang anak namin.  Pinasasa-Diyos ko na lang na magbago ang kanyang pakikitungo sa kanyang parents.

Sonny

Dear Sonny,

Huwag kang mawalan ng pag-asa. Ipagpatuloy mo ang iyong panalangin na maliwanagan ang isipan ng asawa mo at gumaling siya sa kanyang sakit. Alam ko na hindi siya matitiis ng parents niya. Sabihan mo lang sila, kung tumulong ay mas mainam, pero kung hindi naman eh igalang mo ang kanilang desisyon.

May mga taong makakatulong sa inyo at malalampasan din ninyo ang pagsubok na ito sa inyong buhay.

DR. LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with