Bakit ngayon lang?
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - July 15, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Isa po akong family driver ng mayamang pamilya sa lalawigan ng Aurora. Tawagin mo na lang akong Bert, 50-anyos at binata pa rin. Ipinagmamaneho ko ang nag-iisang anak na babae ng aking amo, si Ma’am Nora. Limang taon na akong driver niya at batid ko ang kasaysayan niya pati ang kabiguan niya sa pag-ibig.

Matanda ako ng 27 years kay Nora na isang negosyante. Sa loob ng limang taon, pito ang naging boyfriend niya na pawang pinagsamantalahan lang ang kanyang kayamanan. 

Dalawa sa mga boyfriend niya ang iniwanan siya matapos buntisin. Tanging ako ang nakababatid ng sikreto niya, bukod sa mga naging ama sana ng mga sanggol na ipinalaglag niya. Siguro, hindi tinutotoo ng mga lalaki si Nora dahil hindi siya maganda at ang tanging asset niya ay ang kanyang salapi.

Sa mga kabiguan niya ay kinahabagan ko siya at naramdaman ko sa tagal ng aming pagsasama at paghihingahan ng sama ng loob, umibig ako sa kanya. Naipagtapat ko ito sa kanya. Bigla siyang umiyak habang ipinagmamaneho ko siya. Sabi niya, “bakit ngayon lang?”

Nabuo ang aming relasyon at ang tanging pinangangambahan namin ay ang magi-ging reaksyon ng kanyang mga magulang na kasing-edad ko. Malamang ay tututol sila  porke isa lang akong driver na matanda na. Ano ang gagawin ko?

Bert

Dear Bert,

Tiyakin mo muna na hindi awa ang nararamdaman mo kay Nora at talagang mahal mo siya. Kung sigurado na kayo sa feelings ninyo sa isa’t isa, lakasan mo ang loob mo na magtapat sa kanyang mga magulang.

Pareho na kayo ni Nora na nasa legal na edad kaya tumutol man ang mga magulang niya, maaari kayong magpasya para sa inyong sarili. Usually, ang mga mayayamang magulang ay maaari ngang tumutol na maikasal ang kanilang anak sa ‘di nila kauri. Ngunit mayroon ding nakauunawa lalu na yaong mga nagmula rin sa hirap.

Sa ngayon, wala kayong choice kundi sundin ang kaugaliang Pilipino na pamanhikan. Hingin mo ang pagsang-ayon ng mga magulang ni Nora at kung tututol sila, nagawa mo na ang tama at magdesisyon na kayong dalawang magkasintahan.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with