Buking ang gf
(Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Maliit talaga ang mundo. Hindi ko akalain na ang company kung saan ako nag-inquire para mag-apply ng trabaho ay doon ko malalaman ang tungkol sa lihim ng gf ko, na may asawa at anak na pala siya.

Ang totoo, gusto ko na magseryoso sa buhay mula nang makilala ko siya.

Nung in-interview ako, binanggit ko ang pangalan niya at sinabing nagmo-model siya ng kotse. Hayun, habang dini-discribe ko siya ipinakita ng sa tingin ko ay boss ang isang picture ng gf ko na may kasamang lalaki. Mukhang outing iyong isang picture habang ‘yung isa ay magkasama naman sila ng pamilya niya.

Na-surprize lang talaga ako. Pero mabait ang boss na nag-interview sa akin. Kinuwento niya na halos kababata niya ang dating asawa ng gf ko. Hindi naman sila kasal pero may anak sila.

Ang masakit, Dok inilihim niyang lahat sa’kin ‘yun. Halos dalawang taon na kaming magkarelasyon. Ni wala siyang nabanggit tungkol sa naging asawa niya at kanilang anak na nasa pangangalaga ng lalaki.

Hindi ko pa ito sinasabi sa kanya. Hindi niya alam na wala na siyang maitatago sa akin.

Gusto ko sanang siya ang maunang magsabi. Naghahalo ang damdamin ko, hindi ko alam kung dapat bang mainis ako pero dapat bang hayaan ko na lang ang nakaraan niya? Help po, please.

Jackson

Dear Jackson,

Talagang ang katotohanan ay masakit tanggapin. Huwag ka namang magpadala sa iyong negative emotion. Always be mature in dealing with problems. Mainam na mapag-usapan ninyo ito sa maayos na paraan.

Isantabi mo muna ang paghatol sa gf mo. Ha-yaan mo siyang mag-open sa iyo at masabi niya ang lahat, kung ayaw naman niyang umamin eh, nasa kanya na iyon. Hindi mo na hawak ang desisyon niya.

Magkaroon kayo ng kasunduan kung ano ang nararapat sa inyong relasyon. Actually nakaraan na iyon, kaya pwede naman na bigyan mo siya ng chance na magkaroon ng maayos na future na hindi naibigay ng lalaking umiwan sa kanya.

DR. LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with