^

Dr. Love

Galit sa sariling ina

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Limang taong gulang pa lang ako nang layasan kami ng aming ina upang sumama sa ibang lalaki. Hanggang ngayon na 29-anyos na ako ay dama ko pa ang matinding galit sa aking ina na sumama sa ibang lalaki habang nagtatrabaho sa Oman, Jordan ang aming ama.

Tawagin mo na lang akong Aira, may asawa at tatlong anak sa piling ng pinakamamahal kong mister. Matanda sa akin ng fifteen years ang asawa ko na dati ring OFW pero ngayo’y isa nang matagumpay na negosyante at magkatuwang naming pinangangasiwaan ang aming naipundar na auto repair shop.

Ang tatay ko naman ay may iba ng asawa na kasing-edad ko lang at maligaya silang nagsasama. Happy rin ako para sa kanya. Hindi playboy ang ama ko, ngunit kailangan niya ng bagong mamahalin at magmamahal sa kanya matapos siyang layasan ng nagtaksil kong ina. 

May mga kapatid na rin ako sa aking stepmother at magkasundo naman kami. Naisumpa ko sa aking sarili na kailanman, hindi ko pamamarisan ang aking taksil na ina na sa kabila ng sakripisyo ng ama ko ay nagawa pang mangaliwa.

Mahal na mahal ko ang aking asawa dahil nakita ko sa kaniya ang katangian ng isang ulirang kabiyak. Sabi nga ng isa naming customer, nakatagpo ako ng asawa na, tatay pa, napangiti lang ako.

Sabi ng ama ko, patawarin ko na ang nanay ko dahil ano man ang sabihin, sa kanya pa rin ako nagmula. Kasundo ko naman ang aking mga kapatid sa ina pero parang mabigat pa rin sa dibdib ko na magpatawad sa kanya.

Pagpayuhan mo po ako.

Aira

Dear Aira,

Nauunawaan ko ang damdamin mo. Kapag nagtaksil ang magulang, pati ang mga anak ay pinagtaksilan din kaya masakit ito.

Pero ang pagpapatawad ay isang tagubilin ng Diyos na dapat nating sundin. Ang pananatili ng galit sa puso ay nakakasama sa tao. Ikaw ang lugi dahil may punyal ng galit na nakatarak sa puso mo. Hugutin mo na iyan.

Mahirap lang ang magpatawad sa simula, pero sa katagalan, nararamdaman mo ang pagkakaroon ng kapayapaan sa puso mo.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with