Nanloko na, nanisi pa
(Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Gusto ko man makipagbalikan sa ex ko pero hindi ko na kaya dahil may gf na rin ako ngayon. Ako ang may kasalanan kaya kami nagkahiwalay, akala ko hindi niya seseryosohin ang ginawa ko sa kanya. 

Kahit na girlfriend ko pa siya, may ibang babae akong nililigawan. Wala lang, tina-try ko lang kong kakayanin ko na dalawa sila.

Kaya humanap ako ng dahilan na magkamali siya. Isang beses, sabi niya ayaw siyang payagan ng mama niya na magkita kami, ‘yun pala may lakad sila ng mga bff niya na hindi niya sinabi sa akin.

Hayun naggalit-galitan ako para may dahilan na akong magkahiwalay kami. Sinagot na kasi ako ng babaeng nililigawan ko, kaya malakas ang loob kong makipaghiwalay.

Pero nito lang, napag-isip isip kong mali ang ginawa ko. Mabait naman ang bagong gf ko, kaya lang hindi ako masaya sa kanya.

Gusto ko sanang makipagbalikan sa ex ko pero nahihiya na ako. Ako kasi ang unang gumawa ng kalokohan, tapos ako pa ang nanisi.  Maliit lang na bagay ang ginawa niya kaysa sa ginawa ko. 

Jerric

Dear Jerric,

Naku! Bakit naman ganoon ang ginawa mo sa gf mo? Hindi naman sa may kinakampihan ako, pero kawawa naman siya. Tiyak na nasaktan ‘yun sa ginawa mo, kaya pumayag na ring makipaghiwalay sa’yo.

Ngayon may balak ka namang iwan ang bago mo, ano ba ‘yan iho? Kailangan sa relasyon ang “since-rity”. Hindi kung ano lang ang maisip mo, gagawin mo. Pairalin ang respeto at sana matuto ka ring makuntento sa taong nagmamahal sa’yo.

Paano kung ka-patid o kamag-anak mong babae ang niligawan, pinaasa at nang sagutin na ng oo ay iiwanan dahil hindi masaya? Ganoon lang ba kababaw ang pag-ibig mo?

Mahalaga na matuto kang unawain ang kalagayan ng isang babae, kapag niloloko at naging dahilan ka para masaktan ang feelings niya. Marami ka pang babaeng makikilala pero ang mahalaga ay may respeto ka sa kanila. Hindi lahat liligawan mo kapag gusto mo.

DR. LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with