Sampaguita
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Dose anyos pa lang si Azon nang makilala ko. Siyam na taon na ang lumipas mula noon. Cute siyang bata, mabait at sa murang edad, dala ng kahirapan ay kasama siya sa maraming mga batang naglalako ng sampaguita sa lansangan.

Ako nga pala si Rodante Herbas at nang mga panahong yaon, ako ay trenta anyos na pero still single. Hindi mo naitatanong, isa akong matagumpay na negosyante at yumaman ako sa sarili kong pagsisikap.  Araw-araw, sa paglalakbay ko lulan ng aking kotse sa lansangan ng Abad Santos, naroon si Azon na nagbebenta ng mga bulaklak sa mga motorista. Palagi ko namang pinapakyaw ang kanyang mga paninda tuwing magkikita kami at tuwang-tuwa siya dahil makakauwi siya nang maaga at makakapaglaro kasama ang mga bata sa kanilang dahop na komunidad.

Twenty one anyos na si Azon ngayon at nagkikita pa rin kami. Ang dahilan, dahil sa nakagiliwan ko siya noon, hiningi ko ang permiso ng mga magulang niya na papag-aralin ko siya. Tapos na siya ng kursong computer secretarial at siya ay nagtatrabaho bilang sekretarya sa aking opisina. Kuwarenta’y dos na ako at wala pa ring asawa.

Kahit napakalayo ng agwat namin sa edad, umibig ako kay Azon at niligawan ko siya. Buong akala ko ay iibig din siya sa akin dahil sa malaking pabor na nagawa ko sa kanya. Kundi dahil sa akin, hindi siya aangat sa buhay.

Matagal siyang hindi nakasagot. Ang sabi’y pag-aaralan daw muna niyang mabuti ang aking proposal. Pero kinabukasan, may nakapatong na sulat sa aking mesa.  Nag-alok si Azon ng pagbibitiw.  Sabi niya, parang ama lang ang turing niya sa akin at nahihiya siya na hindi niya ako matatanggap bilang kasintahan. Nagpasa-lamat din siya sa aniya’y malaking tulong na nagawa ko para umasensyo siya at ang kanyang pamilya. Sisikapin daw niyang makaganti sa ibang paraan.

Nasaktan ako sa sinabi niya. Pero hindi naman siya kailangang mag-resign at kaya kong tanggapin ang kanyang desisyon. Tuliro ang isip ko ngayon at hindi ako makapag-focus sa mga dapat kong gawin. Pagpayuhan mo sana ako sa mabigat kong pro-blema.

Rodante

Dear Rodante,

Hindi mali ang ginawa mong panliligaw at tama ang sinabi mo na iginagalang mo ang hindi niya pagtanggap sa inalok mong love proposal.  Ang pag-ibig kasi ay hindi ibinibigay bilang panukli sa kabutihang ginawa ng tao.

Kung nais mong ipagpatuloy pa ni Azon ang paglilingkod sa iyo bilang secretary, puntahan mo siya at sabihing kalimutan na ang sinabi mo at magbalik sa rati niyang gawain. Itinuturing ka niyang tatay, ituring mo rin siyang anak. Mahirap pero iyan ang nararapat gawin.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with