Dahil sa e-load
(Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Marahil, maituturing na kakaiba at hindi pangkaraniwan ang love story namin ng aking boyfriend na si Ramil. Nagsimula ito sa cell phone at mukhang magwawakas din sa cell phone.

Siya nga pala, ako po si Aurea, 23-anyos and still single.

Bumisita ako sa bahay ng aking best friend na si Cathy at nagkataong naubusan ng load ang cell phone ko. Nang nakakita ako ng tindahan na may nakapaskil na “e-load available” agad akong nagpunta at ang tumatao sa tindahan ay isang lalaking makisig na agad naka-attract sa akin. Hindi naman ako nagpahalata. Pero sa totoo lang, kinilig ako sa kaguwapuhan niyang mala-Coco Martin. I secretly wished in my heart na sana, magkakilala kami.

Kinuha niya ang number ko para loadan. ‘Yun lang at umalis na ako. Napakapormal niya at hindi pinansin ang beauty ko. Nainis ako noon. Hindi ko akalaing magte-text siya sa akin para magpakilala. Kung puwede raw ba kaming maging textmate. Pumayag naman ako. Kilala rin pala siya ng best friend ko kaya madali kaming naging magkaibigan hanggang ligawan ako at sagutin ko siya.

Minsan, nag-date kami sa isang restaurant. First date pa lang namin ‘yun and he was so charming and good in carrying out a conversation. Nagpaalam siyang magsi-cr. Habang wala siya ay may nag-text sa naiwanan niyang cell phone. Nang basahin ko ito, na-shock ako sa message. Galing sa nagnga­ngalang Sarah, ang sabi ay “sweetheart, huwag mong kalimutan ang date natin bukas. Luv you.”

Hindi ko na hinintay bumalik si Ramil, pinatay ko ang cell phone ko at hindi na ko nakikipag-communicate sa kanya.Tama ba ang ginagawa ko?

Pagpayuhan mo po ako.

Aurea

Dear Aurea,

Dapat mo siyang harapin at hingan ng paliwanag, para hindi nakabitin sa ere ang issue n’yo. Malay mo, nagkakamali ka lang. Pero kung may kasalanan siya at ayaw mo na sa kanya dahil siya’y taksil, makipag-break ka. Kung hindi naman siya talagang nagkasala, patawarin mo siya.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with