Dahil sa junk shop
(Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Ang akala ko noon tuluy-tuloy lang ang blessing ni Lord sa amin dahil masipag ang mister ko. Matapos siyang mag-abroad sa Dubai nang limang taon, nag-stay na siya rito sa Pinas. Nagtayo kami ng junk shop.

Noong una hindi ko gusto ang business namin. Kasi nga marumi at makalat. Tambak sa buong bahay ang mga bakal, mga plastik at mga karton.

Maliit pa ang mga anak namin. Hanggang sa nakatapos ng college ang panganay namin katas ng junk shop. Nakabili na rin kami ng sariling pwesto at napaayos namin ang aming bahay at nakabili na rin kami ng dalawang sasakyan.

Pero tatlo pa ang pinag-aaral ko nang aksidenteng mabaksakan ng mga tubo at bakal ang mister ko na naging sanhi ng kanyang pagkalumpo at paghina ng kanyang katawan.

Gumastos kami ng malaki dahil naapektuhan ang  kanyang  spinal cord.  Pinagpatuloy namin ang junkshop pero kinakapos na kami ng puhunan dahil napapanggastos namin sa mister ko.

Umaasa ako na makakabawi kami… pero unti-unti ko nang naibebenta ang mga asset namin. Gusto ko nang mag-give up pero nilalakasan ko na lang ang aking loob.  Nito lang nakaraang buwan, pumanaw na ang aking mister na lalo ko pang ipinanlumo. Hindi ko alam kung bakit biglang binawi ni Lord ang lahat ng mga biyayang binigay niya. 

Mrs. Perlas

Dear Mrs. Perlas,

Wala naman talagang nakakaalam kung ano ang nais ng Diyos sa atin. Kung nais niyang bigyan tayo ng malaking pagsubok, hahayaan niya ito dahil alam niyang kaya natin. Kaya niya binigyan kayo ng blessing para ito mapanggastos ninyo sa naging sakit ng mister mo. 

Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Hindi pa huli ang lahat. Patuloy ka lang manalig sa Diyos. At hindi ka niya pababayaan at ang mga anak ninyo. Subukan mo pa ring magsimula ng maliit na negosyo para makabawi kayo sa mga nawalang puhunan ninyo.  Condolence sa mister mo.

DR. LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with