Type ang bf ng ‘beshie’
(Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Hi po, Dr. Love. Salamat sa pagkakataon na mapaunlakan mong mailathala sa iyong popular na column ang sulat ko.

Tawagin mo na lang akong Bet Arille, 20-anyos. May kaibigan ako since elementary at talagang love namin ang bawat isa at ayaw naming masaktan ang sino man sa amin. Kapag may nanunukso sa kanya o sa akin, agad naming ipinagtatanggol ang isa’t isa.

We are more than like sisters kaya naman may nagtatanong ng pabiro kung sino sa amin ang tomboy. Sa totoo lang, girl na girl kami pareho. Nagkaroon ng boyfriend ang kaibigan ko. Masaya ako para sa kanya, pero nang personal niyang ipakilala sa akin ang bf, biglang akong nagka-crush sa guy. 

Kasi naman, tall and handsome siya at maging ang pagsasalita niya ay impress ako. Habang nagtatagal, lalong tumitindi ang pagkakagusto ko sa lalaking ‘yun na itinatago ko na lang sa aking sarili. Minsan, natutukso akong pakitaan na ng motibo ang guy para ibaling ang love niya sa akin.

Ano ang gagawin ko?

Bet

Dear Bet, 

Kung may gusto ka man sa siyota ng friend mo, sari­lihin mo na lang. Best friend mo ang tinatalo mo kapag ginawa mo ang iyong binabalak. Sa tingin ko, attracted ka lang sa physical looks ng lalaking iyan at ang nararamdaman mo ay hindi totoong pag-ibig. Forget what you feel.

Mag-focus ka sa katotohanan na best friend mo ang masasaktan at magtatanim ng galit sa iyo kapag inagawan mo ng boyfriend. Maghintay ka at mayroon ding dara­ting na manliligaw na magugustuhan mo.

In the meantime, pangalagaan mo ang pagkakaibigan ninyong dalawa ng “beshie” mo at huwag mong hayaang masira ang isang friendship na hinubog at pinatibay ng panahon.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with