Nagselos sa angkas
(Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Dating maayos ang pagsasama namin ni misis. Pero simula nang sumama ako sa raiders club sa opisina na pumunta ng Batangas, kalbaryo na ang bawat araw namin.

Pinagselosan kasi niya ang kaopisina ko na umangkas sa’kin. Nagkataon lang naman na wala na siyang ibang maangkasan, kaya nag-back ride na siya sa motor ko. May kuha kami sa dash cam at maraming picture. Kahit ipinaliwanag ko na sa kanya na wala lang ‘yun. Paranoid pa rin siya sa kakaselos.

Halos araw-araw laging tamang duda. Minsan gusto ko nang mapikon dahil kinukuha niya ang cellphone ko at tinitingnan ang fb account ko. Wala naman siyang mapapala dahil wala rin naman kasi akong itinatago sa kanya.

Sana matulungan ninyo ako na mabago ang pakikitungo ng misis ko sa akin. Ang totoo mahal na mahal ko siya. Siguro nga nagkamali ako noon pero sa ngayon talagang nag-iingat na ako. Ayaw ko rin namang lumala pa ang sitwasyon namin. Salamat po.

Dyobit

Dear Dyobit,

Para sa iyo wala lang ang pag-angkas ng officemate mo, pero obviously big deal ‘yun sa misis mo. Kung sasabayan mo ang nararanasan niyang insecurity, magulo nga kayo. Subukan mong unawain siya at sikapin na maibalik ang seguridad niya sa pagsasama ninyo. In-short, umayos ka dahil hindi ka na binata. Tiyakin mo na ang bawat desisyon mo ay hindi ipaghihinanakit ng misis mo. Always be faithful to your wife.

Dr. Love

DR LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with