Ang palaboy
(Pilipino Star Ngayon) - June 15, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Ako po si Irene, 21-anyos at dalaga pa. Bata pa ako ay pangarap ko nang maging social worker dahil madali akong maawa sa mga taong mahihirap lalo na ‘yung mga walang tahanan at natutulog lang sa bangketa. Kung may maibibigay akong tulong ay ibibigay ko.

Nung isang taon, naawa ako sa isang lalaking kasing edad ko na natutulog sa bangketa malapit sa aming tahanan. Ibinalot ko ang ilang lumang t-shirt at pantalon at ibinigay ko sa kanya, kasama ang kanin at ulam na mula sa aming kusina. Nakiusap ako sa mga parents ko na kunin namin siyang gardener at bagamat tutol sila nung una ay napapayag ko sila. Doon namin siya pinatutulog sa garahe at pinasasahod namin siya ng tatlong libong piso isang buwan, libre tulog at pagkain. Nagustuhan siya ng mga pa-rents at kapatid ko dahil masipag at mabait.

Malihim siya sa kanyang pinagmulan, maliban sa pagsasabing galing siya sa Leyte para maghanap ng trabaho sa Manila. Kaso, napalitan ng pagkainis ang awa ko sa kanya nang magtapat siya ng pag-ibig sa akin. Pinagsalitaan ko siya ng masakit at tinawag na oportunista. Humingi siya ng tawad pero hanggang ngayon ay asar ako sa kanya at nagdududa na baka gawan niya ako ng masama.

Gusto ko nang magsumbong sa mga magulang ko para palayasin siya pero nangingibabaw ang awa sa puso ko. Dapat ko ba siyang palayasin?

Irene

Dear Irene,

Kung gagawin mo iyan, nawalan ng saysay ang kabutihang loob na ipinakita mo sa kanya. Nanligaw lang naman siya sa’yo at hindi ka ginawan ng masama, bakit palalayasin mo siya? Kahit sinong binata ay may karapatang manligaw at karapatan din ng babae na tanggapin o biguin ang nanliligaw.

Marahil, umibig siya sa iyo dahil sa kabutihang ipinakita mo sa kanya. Siguro, binigyan niya ito ng maling interpretasyon. Pero  hangga’t hindi siya nagpapakita ng senyales na ibig ka niyang gawan ng masama, panatilihin mo siya sa inyong tahanan at mag-ingat ka na lang. Tutal sa garahe lamang siya tumutuloy kaya malayo ka sa panganib.

Dr. Love 

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with