Gusto nang sundan ang anak
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Isa akong taxi driver. Pero nakikilabas lang ako. Medyo mahirap kasi sa gabi ako bumabyahe. Kung minsan ay nag-aalala rin ako, baka matiyempuhan ako ng masasamang loob. Kaya lagi akong nagdarasal bago pumasada. 

Grade two na ang anak namin ni misis, gusto ko sanang sundan na, kahit isang lalaki lang. Kaso maliit ang tiyansang makabuo kaming muli, may sakit na Polycystic ovary syndrome (PCOS) ang misis ko.

Dahil dito mahirap nang masundan ang anak namin sabi ng doktor. Malakas kumain si misis kaya medyo mataba siya. Dapat daw magbawas siya ng timbang.

Kaya eto ako, tiis-tiis lang. Ayaw ko rin naman mapahamak ang misis ko.

Minsan natutukso akong mag-good time pero inaalala ko pa rin ang pamilya  ko, baka ako naman ang magkasakit. Kahit ganito ang sitwasyon namin, hinding hindi ko pagtataksilan ang misis ko.

Mr. Bogs

Dear Mr. Bogs,

May lunas naman sa sakit ng misis mo. Pero wala namang imposible, lalo na kung taus-puso ang iyong pananalig sa Maykapal. Alagaan mo ng mabuti ang iyong asawa, huwag makakalimot sa pagpapadoktor niya para ma-monitor ang sakit niya.

Ang lahat ng pagsisikap mo para sa kanya ay samahan mo ng taimtim na panalangin. Dahil tunay na nakikinig ang Diyos sa dasal ng isang mister na nagmamahal ng tapat sa kanyang asawa.

Maraming salamat sa sharing mo.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with