^

Dr. Love

Natauhan sa pagpapabaya

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nabasa ko po minsan sa kolum ninyo ang tungkol sa isang mister na inirereklamo ng misis na ayaw magtrabaho. Ako naman po ay baliktad, gusto kong maghanapbuhay ng maayos, kaya lang matanda na ako. Ngayon ko lang na-realize na kailangan pala talaga na may maayos na trabaho hangga’t malakas pa at may kaya pang gawin sa buhay.

Noon kasing bata-bata pa ako, mga nasa trenta anyos, bisyo lang ang inaatupag ko at waldas ako sa pera. Wala akong permanenteng trabaho. Sideline lang sa pier. Kapag may bagsak ng mga isda, nakakapagtinda rin ako.

Medyo maayos ang buhay, ang ate ko kasi ay nasa abroad. Minsan kapag walang wala lumalapit ako sa mga anak niya, tapos manghihingi ako.

Akala ko ganun lang ang buhay, kahit nang magkapamilya na ako. Bumabanat pa ako sa ibang babae. Ang lakas nga ng loob ko. Pero ngayon ko lang nararamdaman ang hiya kasi lagi na lang akong umaasa hanggang ngayon sa ate ko.

Nagagalit na ang mga anak niya sa akin kapag nakikita ako sa bahay nila. Kahit hindi nila sinasabi na galit sila, nararamdaman ko.

Dati pinagtitimpla pa ako ng kape kapag dumarating ako.  Ngayon parang wala nang gustong maki-pag-usap sa akin.

Gustuhin ko man na maghanapbuhay ng maayos, matanda na ako. Nasa college na dapat ang mga anak ko pero hindi sila nakatapos. Sobrang nagpabaya ako. 

Mang Tomy

Dear Mang Tomy,

Kumusta naman ang ate ninyo sa abroad? Pasalamat ka sa kanya dahil sa malaking tulong na nagagawa niya sa inyo, sa pamilya mo.            

Natural na makadama ka ng hiya at maramdaman mo na naiilang sa’yo ang mga anak ng ate mo. Pero ang tiyak ko, ang ate mo hindi ‘yun titigil sa pagtulong sa iyo dahil mahal ka niya.

Sana makita mo ang halaga ng ginagawa ng ate mo sa’yo pati na rin ng pamilya niya. Lagi mo sila isasama sa prayers mo.

Sabi nga ‘di ba, nasa Diyos ang awa pero nasa tao ang gawa. Unti-unti mong ayusin ang napaba-yaan mong pamilya. Mag-usap kayo ng mga anak mo kung paano kayo magtutulungan para hangga’t maari hindi na kayo aasa sa tulong ng iba.

Dr. Love

vuukle comment

PAGPAPABAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with