Professor X
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - June 7, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Please do not disclose my true identity, just hide me under a false name, Professor X, 42 years old. Dati akong professor sa isang kilalang pamantasan pero natanggal po ako nang ireklamo ng rape ng isang coed doon.

Sikreto akong kinausap ng dean na kaibigan at kababata ko at sinabihang mag-resign na lang sa halip na ma-dismiss. Aaminin ko na attracted ako sa coed na ‘yon and I made some sexual advances at napapayag ko siyang sumama sa akin sa hotel. It was an act between two consenting adults at walang rape. Hindi na siya nagdemanda matapos kaming mag-usap.

Nakakita ako ng ibang pamantasang malilipatan at muling nakapagturo. Lumipas ang more than two years at nagulat ako nang balikan ako ng babaeng ‘yun na may kasamang isang-taong gulang na batang babae. Anak ko raw iyon at humihingi siya ng sustento. 

Mahirap paniwalaan na anak ko ang bata dahil minsan lang kami nagtalik at kilala ang reputasyon niyang kung kani-kaninong lalaki sumasama. Kung hindi raw ako magbibigay ng sustentong P20-k a month, ihahabla niya ako. Anong dapat kong gawin?

Prof. X 

Dear Prof. X,

Professor ka, hindi mo alam ang dapat gawin? Dalawang taon na ang lumipas, siyam na buwan ang pagbubuntis at kung more than one year old na ang bata, posibleng ikaw nga ang ama. Pero maaari ring hindi, kaya dapat mapatunayan muna ‘yan sa pamamagitan ng DNA test.

Kung mapapatunayang hindi sa’yo ang bata, eh ‘di makahihinga ka na ng maluwag. Ngunit kung anak mo nga ito, legally and morally, obligasyon mo siyang sustentuhan.

Dr. Love

 

 

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with