Magagalitin si Mister
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - June 5, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Lumiham po ako dahil sa kakaibang inuugali ngayon ng asawa ko.  Ako po si Lily Danes, 30-anyos. 

Hindi naman po siya dating ganoon hanggang magkaroon ng discrepancy ang book of account sa kompanya kung saan siya nagtatrabaho bilang accountant.  May nawawala pong P50k na hindi ma-account.

Mula noon, laging mainit ang kanyang ulo. Sa maliit na bagay na ‘di naman dapat pag-awayan ay inaaway ako. Gusto ko siyang unawain dahil nanganganib ang trabaho niya sa malaking suliraning kinakaharap niya. Kaso po naiirita na ako sa kanya. 

Hindi naman siya siguro magkakaproblema kundi dahil sa kagagawan niya.  Ano ang dapat kong gawin? 

Lily

Dear Lily,  

Hindi mawawala ang pagiging temperamental niya hangga’t hindi nalulutas ang problema niya sa opisina. 

Hindi mo nasabi kung may nangyari bang anomalya na kinasasangkutan niya o ito’y bunga ng kanyang kapabayaan. 

Ano man ang reason,  may responsibilidad siya na dapat harapin at sagutin whether administratively or legally. Depende iyan sa magiging pasya ng management sa kaso niya. 

May dahilan ang pagiging temperamental niya kaya as a good housewife, you must be understanding sa kanya. 

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with