Ayaw mag-apply ni Mister
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Sinabihan ko na ang mister ko na maghanap ng trabaho. Gagradweyt na kasi ng grade six ang panganay naming anak. Nag-aalala lang ako baka kapag nag-college na sila wala kaming pangpaaral sa kanila. Libre nga ang tuition pero ang pang-araw araw na baon ng mga anak namin, paano na?  Apat kaya itong sunud-sunod na pinapaaral namin.  

Ok naman na mag-construction worker siya, kaso walang benepisyo tulad ng sa mga kumpanya. Sayang din ang SSS, PAG-IBIG Medical at iba pang insurance benefits.

Ayaw n’ya raw ng inuutus-utusan ng amo. Gusto niya sariling diskarte. Kaso hindi naman laging may kontrata siya.

Ayaw din niyang mag-apply kasi ang dami daw aasikasuhin. Ilang beses ko na siyang sinabihan na hindi siya laging malakas at hindi siya laging bata. Mas mainam sana kung permanente ang hanapbuhay niya.

Ngayon umaasa pa rin kami sa kita niya, minsan sa isang buwan may pera, minsan tambak ang utang namin hanggang sa nag-aabang ng bago niyang kontrata.

Madalas na rin siyang nagkakasakit at i-nuubo dahil sinasamahan pa ng inom sa gabi kasama ng mga kumpare niya.

Sana matulungan po ninyo akong makumbinse ang mister ko.

Juvilyn

Dear Juvilyn,

Huwag mong pwersahin ang asawa mo. Ang gawin mo ay suportahan siya sa kanyang gustong trabaho. Maaari naman kayong makakuha ng benepisyo sa gobyerno at sa mga private sectors na maaaring makatulong para sa pag-aaral ng inyong mga anak.

Pwede mo ring si-mulan ang mag-apply ng SSS at PAG-IBIG, samahan ng tamang pagbabadyet sa kita ng mister mo. Unti-unti lang, ang mainam may nasisimulan kayo hangga’t mga bata pa ang anak ninyo. Sa ngayon talagang konting tiis.

Darating din ang panahon na magiging maayos ang takbo ng buhay ninyo. May awa ang Diyos. Subukan mo rin na magtinda-tinda para makadagdag sa kita ng iyong asawa.

Sana makatulong ang mga payo ko sa inyo. Ganyan naman, kailangan lang magtulungan habang maiksi pa ang kumot. 

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with