Birthday wish
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - May 31, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Mayroon akong nililigawan na babae. Ang wish ko sana sagutin niya ako sa mismong birthday ko, pero bigo ako.

Ang sabi niya sa akin, mapapagbigyan niya ako na makipag-dinner date sa kanya pero hanggang dun lang. Huwag daw akong umasa na sasagutin niya ako.

Close naman kami. Barkada niya at barkada ko, halos magkakakilala. Siyempre sa school hindi nawawala ang buyuan na bagay daw kami at pwedeng-pwede raw kaming dalawa na maging lovers.

‘Yun ang inaasahan ko. Sa tuwing magkakasama kami ng dabarkads, kami ang bagsakan ng biruan at asaran.

Pero kapag kaming dalawa na lang ang nag-uusap, ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa panliligaw ko sa kanya.

Ok na naman sana dahil game na game siya sa mga gimik at lakad namin.

Kapag nagbibigay ako sa kanya ng mga gifts, tinatanggap naman niya. Tinanong ko siya kung may boyfriend na siya, wala naman daw.

Sayang talaga, mahal ko siya. Kung mayroon sanang makapagpapaligaya ng buhay ko, siya na nga.

Natuloy naman ang dinner date namin. Pero imbes na matuwa ako, lalo pa niya ako pinaasa. Mahirap sa kalooban ko na ang babaeng mahal ko ay hindi ako matutuhang mahalin. 

Jerson

Dear Jerson,

Happy birthday sa’yo. Huwag ka nang malungkot, mabuti nga pumayag si girl na makipag-dinner date sa’yo. Minsan kapag lalo nating kinukulit ang babae, lalong nagpapakipot. Pero kung sinabihan ka na niya na huwag ka nang umasa, hinay- hinay lang.

Baka naman pwedeng magkaibigan muna kayo para naman makilala ka niya nang lubos. Mas malalim na pagkaka-kilala. Isang mainam na paraan para sa iyo ang maging magkaibigan kayo.

Pwede ring may makilala ka pang babae na mamahalin mo balang araw.

Basta be yourself, enjoy life with every person that you encounter everyday. Marami pang surpresa na darating sa buhay mo. Kaya cheer-cheer lang.

 Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with