^

Dr. Love

Type ng customer

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay si Emman.  Isa po akong waiter sa isang kilalang restaurant dito sa E. Rodriguez Quezon City. Medyo matagal na rin akong nagwo-work dito. Marami na rin akong experience regarding sa customer. Ang hirap mag-adjust minsan. Kasi nga kahit mali na sila, kailangan ngumiti ka pa rin at magsilbi ng maayos.

Nito lang isang araw may customer na gwapo, natuwa siya sa serbisyo ko at binigyan niya ako ng malaking tip. Kinausap niya ako at hiningi ang cp number at fb account ko, wala naman iyon sa akin kaya ibinigay ko sa kanya.

Hayun hindi na niya ako tinigilan sa kaka-chat. Nagsabi siya na bibigyan niya ako ng sapatos pagbalik niya sa restaurant. Nag-alangan ako tanggapin ‘pero hindi ko naman hiningi ‘yun. Unti-unti nabuking ko siya. Gwapo pa naman siya pero iba ang motibo niya, type niya ako.

Gusto kong ibalik ang branded na sapatos. Wala akong nararamdaman sa kanya, hanggang friends lang  kaso iba ang inaasahan niya sa akin. Paano kaya ang mainam kong gawin?

Emman

Dear Emman,

Since you are very definite na hanggang friends lang ang kaya mong ibigay na atensiyon sa kanya, affirm it by returning the thing na ibinigay niya.

Makakatulong na kausapin mo siya for the last time and reiterate that your not the kind na ini-expect niya. Please take note to do this with somebody you trust na magsisilbing witness sakaling gumawa siya ng hindi maganda laban sa’yo, lalo na sa trabaho mo.

Sa susunod, huwag basta magtitiwala at kilalanin muna ang isang tao bago tumanggap ng anything.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with