^

Dr. Love

Wedding coordinator

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Medyo naiinggit lang ako sa kaibigan ko na nag-renew ng marriage vow nitong isang linggo nang umatend ako sa kanilang twenty fifth wedding anniversary.

Nakita ko na nakayanan nilang magkasama kahit na malalaki na ang kanilang mga anak at may apo na sila.

Alam ko ang kanilang pinagdaanan. Si kumpare, nag-struggle dahil simula nang ma-stroke siya ay hindi na nakapaghanapbuhay, tanging si kumare na lang ang kumayod.

Nakakatuwa dahil sa kabila ng kanilang payak na buhay, nakapagtapos ng pag-aaral ang kanilang tatlong anak sa kolehiyo at nakapag hanapbuhay ng maayos.

Nakita ko rin ang tapat nilang pagmamahalan. Hindi tulad ng aking asawa na iniwan ako sa panahon na kailangan ko siya.

Ang akala ko maayos na ang lahat dahil maganda ang kita namin sa business namin bilang wedding coordinator at photographer. Nakakalungkot lang, pumatol siya sa isa na-ming staff. Minsan hindi nila ako kasama kapag nagpo-photo shoot sila out of town. Ilang araw din silang nag-stay kaya hindi ko alam na may nangyayari na sa kanila.

Nagulat na lang ako na hindi na ako inuwian ng mister ko. Tuloy pa rin ang business namin kaso nag-hire na lang akong ng ibang photo-grapher at ibang staff. Feeling sad lang ako kasi kapag naaalala ko ang ginawa ng mister ko, hindi ko talaga matanggap. 

Charlyn

Dear Charlyn,

Alam kong mabigat sa’yo ang sitwasyon mo. Ikaw ang nag-aayos ng kasal ng iba pero ang sarili mong relationship ay hindi maayos.

Basta, huwag kang titigil sa ginagawa mo. Hindi naman ikaw ang may mali. Hayaan mong ma-realized ng mister mo ang mali niya.

Stay happy and be strong. Marami ka namang magagandang bagay na nagagawa sa mga bagong ikinakasal. Nagpapatunay lang na mahalaga pa rin ang pagiging tapat sa pangako natin sa kasal kaysa ang gumastos nang malaki sa araw ng inyong kasal. Dahil nawawalan ng saysay ang lahat kung wala naman ang katapatan.

Goodluck sa business at hangad ko na bumalik sa ayos ang lahat sa buhay mo.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with